Sa
ibabaw nitong matigas na sahig na bahagya lamang sapat
ang
sa manhid at nanlilimahid mong likod
pilit na ilalapat,
nang
mapawi ang pagod sa maghapong pagbabata’t pagbabanat
at
masaya kang pipirmi sa kamang may gulong na apat.
Kulang
man sa yakap ng malalambot at malasutlang mga kumot
makapagtitiis
ka naman sa kaunting init na pahintulot
nitong
pinatagpi-tagping mga papel at gusot-gusot na supot.
Masayang
ikaw ay pipikit at sa mga larawang walang bahid ng dumot
ika'y
panay na babaling at pipihit -- pilit hahawiin ang lungkot.
Kanugnong
ng seldang inangkin mong mistulang palasyo
ang
tambak ng mga hiyas, diyamante't walang halagang ginto.
Oo
nga't yaman ang mga ito sa pakiwari mo
datapwat
sa ibang mga nagdaraang dibuho,
turing
ay latak na lamang nitong higante't
mapanuring mundo.
Mababakas
ko sa mga guhit sa iyong mukha't kuluntoy nang balat
ang
sakit na maipit sa gitna ng mga diwang kulot at 'di maingat.
Muli
sa gabi'y uuwi ka sa kwadrado mong palaruan,
itong
kariton mong busog sa mga diyaryo, bote at latang nagkakalansingan.
Ngingiti
ka't uusal ng pasasalamat, kakanlungin ng moog
habang panay ang paghaplos mo sa makakakapal mong pilat.
habang panay ang paghaplos mo sa makakakapal mong pilat.
Hindi
man ito sinlawak ng mga teritoryong hati-hati
na
pinaghaharian ng masisipag nating mapagpanggap na mga kalahi,
alam
mong dito ika'y ligtas sa mga banyaga't bangayang nakapipipi’t nakabibingi.
Kapiling man ng mga nagtitibayang kalasag , ang
mga tigre, sawa at buwaya’y
hindi kailanman sa pighati’y makatatanggi’t makasasalag.
hindi kailanman sa pighati’y makatatanggi’t makasasalag.
Silang
sa ‘di pagkakuntento'y patuloy na maghahanap at ‘di makahahanap
sa
kawalang dulot ng natagpuan nilang ultimong kawalan;
ng
mangangata't panlaman tiyan,
ng
patukang sa bakanteng bungo'y ipapalaman,
ng
pabango't bulak na laan sa mga bulok na pusong tatapalan,
ng
palamuting handog sana sa mga butas na kaluluwang marapat na sulsihan.
Ito’y
kakatwa at ikaw ang siyang nakatagpo
ng
mga salita at katagang inilaan sa sarili mong iniukit na tuldok;
mga
talatang hindi maipagkakaloob ng mga palasyo, mansyon at gusaling
yari
sa walang katapusang lubid ng puwang at patlang.
Sa
kawalan ng yaman, impluwensya't mapang-aping kapangyarihan,
Sa
karukhaan at makabuluhang kababawan mo naman natagpuan
ang
ligaya’t langit na hatid ng tahanang sa iyo lagi'y nakaabang.
Itong
apat na sulok ng kariton mong sa iyo’y kumupkop,
nagpatibay
sa mga panahong ika’y marupok
at
sa mga sandaling ang mga damdaming marubdob ay mahigpit na nakapulupot,
ang siyang sa huli’y kasangga’t karamay sa iyong paggunita’t pagkalimot.
Hanggang
sa ang likod mo’y muling lumapat
at
sa kwadradong kahon katawan mo sa wakas ay gumitna.
Kukulungin
ka niya’t ipagheheleng walang palya't pagkasawa,
nang
ang ulan ay tumila at ika’y lumuha