Tuesday, August 21, 2012

Puzzles and Haywire: More Fun in the Philippines

That very fact that she took time interrupting me in the middle of my erudite speech just to dig into her clutch bag, search for her smart phone and take a picture of it is somewhat alarming. “I’ll upload it for my friends to see. We don’t have those in the US,” Ylda blurted.

Curious about the peculiarity of her gestures, I threw a  momentary look at the thing she’s photographing. There they were, like snakes convoluting in an intricate dance are cables of all sorts perched high above us. As if a pun, she asked me how we could identify which cable is which in that seemingly mass of intertwined pasta while flaunting a half grin.

Mulling over her absorption, it took me time to digest her thoughts. It is not that they do not have cables in the US. Working for a telecommunications company in the US as a technical representative over the phone, it is normal to receive calls from customers asking their cables to be buried. Yes, you heard it right, under the ground. They are just practically installed not to look like a ball of hair from you shower drain filter. It is not just so they are not a sore in the eye but also to secure them from suffering damages brought by weathering.

If you look around the Philippine metropolis, you will notice that cables are somewhat a vital part of the action-packed everyday bustles. The city highly depends on these long and lean things to transmit electricity, data and a lot more. Life, which is crammed by man’s race to make it more complex, would have to stop like a film that was paused. We are dependent for the technology we breathe everyday also relies on their existence. Without these cables, how could you possibly upload your photos in your social networking sites when your i-Pad needs charging?

While it’s not what they are or what they do that really snatched my attention but how they are set. It was akin to a ball of yarn recoiled by your purring cat – an embodiment of twists and turns of a  puzzle which solving seem dubious.

I could now very much say that Filipinos are clever. Our electricians being able to pinpoint which cable is working for which is a concrete affirmation of these. On a different light, this slyness also works for the disconcerting craftiness of some of us. Blame it to your neighbor who passionately installed that “jumper” unknowingly setting the slum into an inferno quashing all your valuables into ash. I remember my partner relaying a story of her Aunt who was disbelieved receiving a month’s five-digit electric bill. How could you possibly incur such bills when you weren’t even at your house?

It’s a play of “pitik-bulag.” These could have been the cause of outages and companies’ who supply and maintain then seem not to notice. The lattice of cables, scribbling high may just be ignored until something comes up that’s the only time that action is active. Working or not, they stay as permanent hanging fixtures, as if they were ornaments we should appreciate.

These tangled cables somehow serves as a metaphor of the Philippines. It denotes the country as a concoction of different sub-cultures, ideals and philosophies that either clash or struggle to work as a functional unit. Like the intertwined wirings, some of which could be utterly called accessory appendages for they serve no productive niche but are rather just adding to the mass (mess).

Although puny it may seem, the severity of these macro-spaghetti hanging above our very heads should be addressed. An eye-sore as they are, the dangerous upshots of probable short-circuits is disturbing. Having these in mind, we still stare at them, blankly. After all, it’s one of the things why it’s more fun in the Philippines. Or is it funny?

Wednesday, August 15, 2012

YES NA YES: Choice mo sa TESDA, Unang Hakbang Tungo sa Maunlad na ‘Pinas

Napakalayo na ng inilakbay ni Juan. Tayo ay humaharap sa panahon kung saan ang bawat kilos ay isang napakahalagang susi sa survival at ang fittest ang mananaig. Sa dami ng mga isyung nakalahad kay Juan, ang hindi niya pagiging handa ang maaring magresulta sa kanyang pagkagapi. Mapipilitang gamitin ang kung anoman ang meron siya; limitadong kakayahan sa kasalukuyan niyang estado. Tiis, tiis lang!

Maraming hinihingi ang bansa sa isang mamamayang gaya niya. Ang kontribusyon niya sa pangkalahatang kaunlaran ng Pilipinas ay isang obligasyong nakapatong sa kanyang magkabilang balikat. Hindi kaila sa atin na marami ang nagdarahop. Seryosong usapin ang political at ekonomikal na kalagayan ng bansa at ang mga isyung humihingi ng atensiyon ni Juan ay maari niya lamang na mapalampas. Paano nga bang makakasali sa ganitong mga usapin ang pangkaraniwang mamamayan kung ang sarili’y salat sa pag-unlad at siya’y kasalukuyang umaamot ng ipanglalaman sa tiyan?

Hindi na kailangang magtiis. Maaari nang matapos ang pamamaluktot. May mas mahaba nang kumot. Dahil sa TESDA may choice ka.

photo credits - TESDA
Maitatayang isa sa mga pinkamahusay na solusyon sa mga suliranin ng bansa ay ang pag-uumpisa sa sarili. Ang paghasa sa mga kakayanan upang magamit sa pag-asenso ay ang unang hakbang. Ito ang isang handog ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Layunin nitong akayin ang mga mamamayan, anoman ang kasarian at estado sa buhay, na magsimulang paunlarin ang saliri sa mga kursong teknikal/vocational at mga programang pangkomunidad kung saan ay mayroon kang mapagpipilian sa kung anomang linya mo gusto magpakadalubhasa. Ito ay upang habang nililinang mo ang iyong mga sariling kakayanan ay nararamdaman mo rin sa iyong sarili ang kasiyahan ng paggawa ng  nais mo. Sa pag-agapay ng TESDA ay tiyak na ang pinili mong unang hakbang ay tungo sa iyong pag-asenso.

Sa mga trainings and certifications, maaari kang maging kwalipikado sa mga trabahong dati rati ay iniiwasan ka lang. Hindi lamang ito dito sa bansa kundi pati sa buong mundo. Tiyak na magiging world class ang iyong mga kakayahan at wala nang dahilan upang ikaw ay magpatalo. Dahil sa TESDA, ang pagpili mo ay pihadong kaunlaran ang ibubunga at ang “fittest” na matitiyak ang survival ay tiyak na ikaw na!

Hindi mo mamamalayang pinasasalamatan ka na ng bansa, dahil sa pagtulong mo sa iyong sarili’y ang siya mo ring paghikayat sa iba pang tumalima’t umpisahan ang pagpapaunlad at pagkumpuni. At ang isa’y magiging dalawa hanggang sa ang salitang “tiis” ay maglaho sa bokabularyo ng ‘Pinas.

Ang sabi nila, habang maiksi ang kumot ay matutong mamaluktot. Pero bakit pa magtitiis at mamaluktot kung sa TESDA, may CHOICE ka na! 

Yes na yes na, ‘di ba?


*This is an OFFICIAL ENTRY in the TESDA BLOG CONTEST

Monday, August 13, 2012

SIRKULO: Paggunaw at Pagbangon

Matagal-tagal na rin bago ko nabisita at na-update ‘tong blog ko. “Hiatus na naman?” sigaw ng alter ego ko. Anyare? 

Maraming mga factors ang contributory sa ‘di ko pamamansin sa blogsite na ito. Transitioning ang schedule ko sa trabaho kaya naman palagi akong  tulog. Kadalasan tinatamad lang talaga mag-load. Asa lang kasi sa prepaid broadband service and internet connection sa dorm. Isa pa, masyadong maulan nitong  nakaraang linggo. Ayaw ko pa man din sa mamasa-masa.

Nanatili lang kami madalas sa kwarto habang pinanonood  kung paanong binilasa ng ulan at ng baha ang Pilipinas. May mga nasawi. Nasirang mga ari-arian. Isang replay mula sa pelikulang pinagbidahan noon ng Bagyong Ondoy.  Marami ang lubos na nanghinayang at nagdalamhati. Umuulit lang ang mga tagpo. Isang problema ang kailangang tumapik sa ating mga natutulog na diwa upang mag-isip – mag-isip ng tama at ng para sa kapwa.

Buhay na naman ang bayanihan. Ads to collect money and goods to provide for those who were affected by the flood swarmed the idiot box. Maraming nag-abot ng tulong. Marami na naman supot ng relief goods; supot ng panandaliang kaginhawaan na mananatili ng libong taon upang muling bumara sa mga kanal at estero. Nagsulputang parang mga kabute ang mga evacuation center; halo-halo at parang mga sardinas ang tao. 

Sa kabilang banda, nakabibilib na may mga taong itinataya ang sariling kaligtasan upang rumesponde sa mga taong mas nangangailangan ng tulong. Nakakainis lang na ang mga taong nangangailangan ng tulong ay ‘yun ding mga taong tumangging lumikas noong mga panahong inabisuhn sila. Kesyo baka manakawan daw sila. Sa akin naman, mas importanteng iligtas ang buhay kaysa ang mga gamit na hindi mo naman na mapakikinabang kapag nabingwit na ang bangkay mo sa baha.

Pabalik-balik lang ang mga ganitong eksena. Hindi naman dating ganito ang pagbaha. Isang tanong ay hindi ang kung ano ang magagwa natin sa mga ganitong sakuna kundi kung ANO ANG DAPAT NATING GINAWA BAGO PA ANG SAKUNA?

Parang isang sirkulo, sa tuwing may mga baha at pagbagyo ay umuulit lang ang pag-evacuate, pagrescue at pagrehabilitate. Mga band-aid solution. Subalit ang mga bagay na pilit tinatapalan ay ang mga resulta ng mga maling desisyon ng ating nakaraan. 

Masyado nang maraming tao sa Maynila. Ang malaking populasyon ay nangangailangan ng espasyo para sa mga bahay. Idagdag mo pa na dahil isa itong sentro ng komersiyo, maraming mga gusaling industrial ang itinayo at itinatayo pa taon-taon. Pilit pinagsisiksikan ang lahat ng ito sa isang maliit na lugar. Wala ring urban planning. Isama pa ang pag-abuso natin at pagwawalang bahala. Hndi na kataka-taka ang mga nangyayari. Ang lobo kapag sobra ang hangin pumuputok.

May nakaisip na magrelocate sa mga karatig bayan. Kailangan lang ng transportasyon na kukonekta sa Maynila at sa mga ito. Ang siste, walang pondo. Kaya panigurado akong magtitiyaga si Juan sa panonood ng peikula ng mga bagyo, hindi man pinirata, gasgas sa kauulit.

At sa muling pagguhit ng mga patak ng ulan sa kalangitan ay ang siya ring pagdami ng mga kamay na muling nakalahad, naghihitay sa mga supot ng relief goods habang ang mga bahay at ari-aria'y nilulunod ng baha. Isang sirkulo. Replay-replay lang.