Napakalayo
na ng inilakbay ni Juan. Tayo ay humaharap sa panahon kung saan ang bawat kilos
ay isang napakahalagang susi sa survival at ang fittest ang mananaig. Sa dami
ng mga isyung nakalahad kay Juan, ang hindi niya pagiging handa ang maaring
magresulta sa kanyang pagkagapi. Mapipilitang gamitin ang kung anoman ang meron
siya; limitadong kakayahan sa kasalukuyan niyang estado. Tiis, tiis lang!
Maraming
hinihingi ang bansa sa isang mamamayang gaya niya. Ang kontribusyon niya sa
pangkalahatang kaunlaran ng Pilipinas ay isang obligasyong nakapatong sa
kanyang magkabilang balikat. Hindi kaila sa atin na marami ang nagdarahop. Seryosong
usapin ang political at ekonomikal na kalagayan ng bansa at ang mga isyung
humihingi ng atensiyon ni Juan ay maari niya lamang na mapalampas. Paano nga
bang makakasali sa ganitong mga usapin ang pangkaraniwang mamamayan kung ang
sarili’y salat sa pag-unlad at siya’y kasalukuyang umaamot ng ipanglalaman sa
tiyan?
Hindi na kailangang magtiis. Maaari nang matapos ang pamamaluktot. May mas mahaba nang kumot. Dahil sa TESDA may choice ka.
photo credits - TESDA |
Maitatayang
isa sa mga pinkamahusay na solusyon sa mga suliranin ng bansa ay ang pag-uumpisa
sa sarili. Ang paghasa sa mga kakayanan upang magamit sa pag-asenso ay ang unang
hakbang. Ito ang isang handog ng Technical Education and Skills
Development Authority (TESDA).
Layunin
nitong akayin ang mga mamamayan, anoman ang kasarian at estado sa buhay, na
magsimulang paunlarin ang saliri sa mga kursong teknikal/vocational at mga
programang pangkomunidad kung saan ay mayroon kang mapagpipilian sa kung
anomang linya mo gusto magpakadalubhasa. Ito ay upang habang nililinang mo ang
iyong mga sariling kakayanan ay nararamdaman mo rin sa iyong sarili ang
kasiyahan ng paggawa ng nais mo. Sa pag-agapay
ng TESDA ay tiyak na ang pinili mong unang hakbang ay tungo sa iyong
pag-asenso.
Sa
mga trainings and certifications, maaari kang maging kwalipikado sa mga
trabahong dati rati ay iniiwasan ka lang. Hindi lamang ito dito sa bansa kundi
pati sa buong mundo. Tiyak na magiging world class ang iyong mga kakayahan at
wala nang dahilan upang ikaw ay magpatalo. Dahil sa TESDA, ang pagpili mo ay pihadong
kaunlaran ang ibubunga at ang “fittest” na matitiyak ang survival ay tiyak na
ikaw na!
Hindi
mo mamamalayang pinasasalamatan ka na ng bansa, dahil sa pagtulong mo sa iyong
sarili’y ang siya mo ring paghikayat sa iba pang tumalima’t umpisahan ang
pagpapaunlad at pagkumpuni. At ang isa’y magiging dalawa hanggang sa ang
salitang “tiis” ay maglaho sa bokabularyo ng ‘Pinas.
Ang
sabi nila, habang maiksi ang kumot ay matutong mamaluktot. Pero bakit pa magtitiis at mamaluktot kung sa TESDA, may CHOICE
ka na!
Yes na yes na, ‘di ba?
*This is an OFFICIAL ENTRY in the TESDA BLOG CONTEST
*This is an OFFICIAL ENTRY in the TESDA BLOG CONTEST
No comments:
Post a Comment