Showing posts with label Insights. Show all posts
Showing posts with label Insights. Show all posts

Sunday, September 15, 2013

Shots, Shits, Shut Down

Hiatus - a gap or interruption in space, time, or continuity; a break. It seems so long but it almost feels like yesterday.

Mahabang panahon na rin pala ang itinikom ng bungangerong boses sa loob ng bungo ko. Matagal na ring nakatahi’t tahimik na magkalapat ang aking mga labi. Halos mabulok na ang laman sa loob ng ulo ko sa dami ng langaw na dapat bugawin.

Mahirap nga naman sa isang kritiko ang manahimik habang ang boses sa loob kanyang utak ay namamaos na sa kasisigaw. Nanahimik subalit hindi napipi. Nanatiling kimi at kinimkim ang mga salitang ninanais isuka. Oo. Malapot at mapait na ang suka. Handa nang sa inyong mga diwa’y maging patuka.

Bagong yugto. BPO set up pa rin. Hindi gaya ng dati na ang tawag sa akin ay “The Ultimate Anti-Social,” na para bang tutugtog ang theme song ng isang superhero sa tuwing mababanggit ng mga kaibigan at katrabaho. Unti-unting nabago ang dating on-the-dot umuwi at bahay-opisina lang ang playground. Bilang isang empleyado, na araw-araw nakakasalamuha ang iba’t ibang uri ng taong nagmumula sa iba’t iba’t kanikaniyang mga planeta, hindi maikakailang bahagi ng survival ang pakikisama.

Halimbawa ng pakikisama: TEAM BUILDING. Karaniwang deskripsyon ng kumpanya? It’s a company event which aims to promote team work and camaraderie among players in the workforce. Yada-yada-yada. Sa management lang yata tugma ang depinisyong ito. Sa mga ahente, ito ay plain FUN. O ‘yon lang kasi ang ibinulong ng maliit na boses habang itinitipa ko ang mga salitang ‘to.

Kamakailan nga ay ginanap ang team building party ng kinabibilangan kong program. Second anniversary celebration. Nakatutuwa namang isipin na nagiging parte na ako ng isang lumalagong business. Masayang isipin na hindi lamang isang produktibong grupo ang kinabibilangan ko kundi isa na ring pamilya. Habang bumubuhos ang malakas na ulan ay bumubuhos din ang party energy sa CenterStage sa Makati.


Ano pa ba ang perfect formula ng isang fun party? Ano pa ba kundi BOOZE + MANGANGATA AT MGA BUNGANGANG NGANGATA + TAWANAN + DIM LIGHTS + CHIT-CHATS + MUSIC = ECSTASY. Iyon na nga ang pormyulang sinundan namin. Habang bumabagyo sa labas ay gumagawa naman kami ng sarili naming lindol sa loob.

Medyo hindi ko nga lang nasundan ang mga ibang pangyayari. May kani-kaniyang pinagkakaabalahan kasi at isa pa, literal na parang kumikidlat sa loob sa dami ng mga kamerang flash dito at flash doon. Hindi mo rin talaga masisisi ang mga repa. Marahil ay ninais lamang i-capture ang mga ngiti, awkward at basag na mukha ng mga kasama. Na-capture nga naman. Puro pula nga lang ang mga mata!

SHOT NA, SHOT NA, SHOO-oo-OOOT na HOY!
Bakit nga ba indispensable part ng party ang alak? Minsan nga una pang iniisip kung ano ang lalaklakin kaysa sa ihahanda. 'Di bale nang walang pambara basta ba may panghugas sa mga lumang tinga.

Hindi ako malakas uminom. Social drinker ayon sa iba. (Hindi ko pa rin ma-gets kung bakit social drinker. Sosyal na manginginom ba?) 

Parte ulit ng pakikisama. Uminom din ako ng tequila. Hindi ko nga lang alam kung tinamaan ako sa espiritu ng alak o sa namumuting labi ng shot glass dulot ng masustansiyang asin. Masaya naman lalo na sa tuwing nakikipagbanggaan ka ng baso sa mga kaibigan. Ewan ko rin kung bakit  nakaka-lift ng spirit ‘yon. Nakikipagngisihan ka lang naman habang naghihintay sa hudyat ng kung sino na umpisahang halikan na ang baso. Ewan. Hindi siguro ako sanay sa sosyal na inuman. Dati naman kasi sa kanto lang kasama ng mga barkada at yung malinaw na likidong may 65 proof ng alcohol mula sa tubo na ibinebenta sa boteng may kulay asul na label lang ang iniinom namin, solb na.

Unti-unti, medyo tinamaan rin ako. Para bang underwater na ang mga nangyayari sa paligid. Nakakapag-isip naman ako ng matino pero parang slow motion na ang lahat. Lalo ko pa ‘atang di nasundan ang mga sumunod na eksena.


Pero teka bumisita nga pala si Laureen Uy. Tao nga rin pala sila. Nagsasaya. O marahil ay nais ding lumimot ng mga shit sa buhay nila.

SHITS... OH the DREADED SHITS!
Isa pa sa mga ‘di mawawala sa tuwing sinasapian na ng espiritu ng alak ay ang mga emoterang palaka. Kung binasa niyo ito at tinamaan kayo, PEACE. Wala akong masamang intensiyon. Ako man, kapag may sapat nang impluwensya ng alkohol ay madalas na napapapost ng emoticons. (Bakit ko sinabi ‘yon? Tsk.)

Pero aminin mo, may naitulong din kahit paano ang alak sa team building na ito. Ang pagpapasa-ilalim kasi sa impluwensya nito ay isang halimbawa ng heightened reality. Kung hindi nakainom kahit konti man lang ay wala ka sa kapasidad na ibaba ang mga pader at kumot na nakatabing upang ganap mong maipakita sa lahat ang hitusra ng maliit na seldang kinasasadlakan mo. O baka hindi mo nahawakan ang kamay o nayakap (genuinely) ang kaibigan sa harap mong naglalahad ng mga shit na nangyari ilang segundo bago kayo umupo. O kaya’y baka hindi mo natignan ng diretso sa mata ‘yong taong kaharap mo. Isang tinging mistulang makakakita kung sino nag ba iyong maliit na taong nasa loob ng selda sa bungo niya.

Baka hindi ka nakasayaw na parang may sili sa puwet o hindi nagngangangawa sa mikropono habang inuubos ang mahabang listahan ng kantang dinutdot mo sa karaoke. Higit sa lahat baka hindi ka, kahit saglit man lang, nagpakatotoo. Dahil sa normal mong estado, may kakayahan kang mag-isip ng matino at salain ang mga lalabas sa bibig mo at ikikilos ng katawan mo. Healthy rin naman ang minsa’y isa kang isdang kakawag-kawag sa labas ng aquarium mo.

SHUT DOWN...
Isa pa sa nakakaaliw, sa tuwing matatapos na ang kasiyahan, ay palaging may mga mag-stir ng drama. Meron diyang bangenge na at wala na sa huwisyo. Pero sa mga drinking sessions na dinaluhan ko, palagi naman may ganyan. Pare-pareho naman kayong uminom. Nagsaya. Tumawa. Meron lang sigurong missing link na hindi mo napansin. Marahil ay mas mabigat ang shit na dinadala niya kaya di mo nahalatang mas mataas ang mga shot niya.


Pero sa huli, alam naman niyang nariyan ka. Handang umalalay sa natisod na siya. That’s the beauty of friendship. 'Yung kahit mawala ka na sa ulirat at maligo ka sa sarili mong patuka’y tiwala ka pa ring uuwi kang buo at masaya. Iyong gumagapang ka na’y humihirit pa ang mga mokong ng patawa. Pero alam mong kampante ka dahil “we got your back, bro” ang litanya nila.

So much for the shots and shits. Ang importante nasubukan kong makisama at ma-survive ang isang masayang gabi. Pagod. Puyat. Lasing. Pero ‘yung maliliit na bagay at mga lessons na hindi napapansin ng iba, inipon ko ‘yon my friends. Itinago sa maliit na shot glass ng happiness. Sa tuwing may shit na sumusundot sa lamang loob kong patuloy ang pagkislot, itatagay natin ’yon nang pasumandali, sa inyong mga ngiti, ako'y bubunghalit ng tawa muli. LONG LIVE HomeAway!


PS:
Salamat sa award. Sa mga mentors ko sa Email Team, sa inyo ang tagumpay!

Wednesday, October 10, 2012

Half-baked, Virus Deletion in Progress

“Threats found!”

And the cyberworld cringes. The seemingly  unbridled virus passed  judgement to every unknowing  outlaw who managed to live in an era of peace until now. Or was it?

Law puts everything into order. In inverse proportionality, the enactment of the Republic Act 10175 or the Anti Cybercrime Prevention Act of 2012 proved the latter wrong. As an action results to an equal but opposite reaction,  it spawned chaos in heightened levels all-over the Archipelago and even in the international vista.  Protests from all sectors flooded social media of all platforms, hackers rendered their so –called duty accomplished and the netizens staged an all-out black parade.

The law  has its pros. Not only true to Filipinos, humans have ostensibly forgotten a vital element of democracy; that any one’s right ends when another’s starts. This twisted light upshots the likes of identity theft, fraud and cyber bullying which crawls deep into every byte to exist in the digital abode. As it has been underlined to purify the perceived cyberworld, the Anti Cybercrime Prevention Act of 2012 was put to the forefront apparently half-baked.

The word in itself cannot stand up to what the “cyberworld” encompasses as one may be lost in its intricacy. It is a complex lattice of cultures that threatening to govern it with a law ill-equipped is a slap on one’s own face.

It is easy to become dubious witnessing the very minds who greased the bill’s passage doubt the same provisions that it flaunts. The inclusion of a libel clause with a greater punishment than libel in traditional media is outright oppressive and even piles grave chances of double jeopardy for breaking both laws. It curtails the right to express in ways that others  don’t understand. Filipinos, who prove to be happy-go-lucky can now caress cold bars for criticizing a friend , which may appear libellous to a different audience, but to a clique a normal behavior. It proves the law indistinct and sets no limitation to liability.

The same libel provision becomes tainted in malice as it appears as a blanket of protection woven by minds who wants to shut other curious minds that has an even greater voice in the world wide web. It is funny and yet shameful that the law draws attention from the  United Nations Human Rights Committee asking for the law to be repealed.

To lever the security of Filipinos through the legislation of the Republic Act 10175 being new is utterly overwhelming. But its implementation is another. The Internet as multifaceted as it is challenges the power of this law to govern in its virtual arenas. A cyber bullying case of a Filipino whose bully is traced to be from a different country governed by a different set of laws will put the clout of this bill into vain. It has yet to be further considered and it is a must to prepare law enforcers and the nation it rules as to how magnanimous the duty is.

As it is difficult even to maintain a blog, it would be even difficult to pick out suspected obstruction of this law. First off is to clear the ego-filled cache and delete the personal viruses of  the minds that has obstinately dominated the house from which laws spring from.

References:

Sunday, September 30, 2012

Only in Anime’s and Cartoons


If you don't know anyone in this picture,
you missed half of your childhood.
Not everyone gets to be an adult when they grow up.  

Sabi nga nila, “There is always a child in us.”

Isa ito sa mga cliché na isinasabuhay ko at alam kong totoo. Iisipin mo kayang isang carfree little kid sina Manny Pacquiao, Mike Enriquez, Tulfo Brothers o si Miriam Defensor Santiago? Malamang sa hilatsa pa lamang ng kanilang mga pigura ay malamang na iiling ka na o marahil ay kukunot ang ‘yng noo. Pero lahat tayo ay dumaan sa pagkabata. Kung sila ang tinitingala ng iba sa ngayon (o kinaiinisan kaya? oops!) pupusta akong noong mga uhuging bata pa sila’y may mga tiningala rin silang mga hero a heroines sa mga morning kiddie shows nila noon.

Ewan ko lang sa kanila, pero anime at cartoons na ang kinagisnan ko. Sino ba ang di makakakilala kina Son Goku, Ash Ketchum, at Pikachu, Naruto, Recca, Gon, Ichigo, Winx Fairies (oo nanonood ako niyan) Natsu, Luffy, Doraemon at kung sino-sino pa? Sigurado ring may kani-kaniyang listahan ang mga kabataan ng kanilang top anime/cartoon list.

Nakatutuwa ang mga kapangyarihan at mga kakaibang adventure na mistulang walang katapusan sa buong umagang kadalasan kong inuubos sa pagka-cartoon marathon. Hanggang sa ngayon, isa itong stress buster at hindi matatawaran ang saying naidudulot nito sa akin.

Pero dahil hindi narin naman talaga ako bata (isip bata oo!) marami lang akong napappansin o nagpapansin lang ako? Ito ‘yung mga bagay na sa Anime’ at cartoons lang talaga nangyayari. Dahil kahit seryoso at tunay ang mga conflicts at inner demons ng mga protagonists, may mga bagay na hindi mukhang seryoso.

Hindi nagpapalit ng damit ang mga characters. Mga kids huwag gagayahin ang mga ‘to. Kahit pa sobrang pogi ni Kakashi o ganda ni Nami at Robin. Alam kaya nila ang salitang hygiene. Haay, araw-araw ‘yata e parehong damit ang suot nila o kung hindi man sa susunod na season pa maiisipang magbihis, ‘sing dalas lang ng pagpapalit ng kalaban. Kataka-taka lang na matapos marumihan at magutay-gutay e lilinis agad parang brand new  ang kanilang mga suot sa susunod na appearance.

Isa pa sobrang tibay ng mga damit nila. Sa Dragon Ball Z halimbawa, kahit malunod na sa energy blast e nagkakasugat-sugat lang si Goku o nagugutay konti ang damit pero di naman siya tuluyang nahuhubaran. Minsan nga hinati ni Android 18 ‘yung isang kotse pero hindi man lang napunit yung manggas ng sweatshirt na ninakaw niya sa isang store. Sa ibang anime pa, kahit apoy di uubra sa mga damit nila. Iniisip ko kung fire proof material gawa ang mga iyon o water proof din kaya? 

It is also where you can slam a person to a wall without effort.  Sa mga normal (but not so normal) type ng anime ko ‘to napapansin. Parte ng comic relief. Nakatutuwa lang na ‘yung mga cute na babaeng may mga pipis na katawan ay nakakayang buhatin ‘yung mga lalaki para ibalibag sa pader o sa malalaking bato.

Sumusulpot din mula sa kung saan ang mga gamit ng bida. Sa Pokemon hindi ko maisip kung paanong nagkakasya ang food containers, lutuan at lamesang ginagamit nina Ash sa tuwing may mga eksenang kumakain sila  sa maliliit nilang backpacks. ‘Yun lang naman ang dala nila. Iisa kaya ang gumawa ng mga ‘yon at ng bulsa ni Doraemon?

Ito ang mga ultimate lang na nakakainis at kinaiinisan ko:

Bobo ang mga bida, mas bobo ang mga kalaban. Maliban sa mga radio programs, sa anime ko lang isinisigaw ng mga bida na aatake sila sa mga kalaban at may pangalan dapat ang bawat isa sa mga ito. Gomu gomu no, Pistol! Kame Hame Wave! Ray Gun! Unang Dragon, Nadare Tad En! Jan ken Gu! Pikachu, bolt tackle! Natatandaan mo pa ba ang mga ito? Napakatagal ng mga  ito mag-activate di ba? Sisipatin pa ang stance, huhugot ng hininga at bibigkasin ang mga magic words.

‘Yung iba naman may mga transformations pa. Tulad ng Winx, ng mga Digimon o ng pag-activate ni Sakura sa kanyang wand. Ewan ko ba at di pa sila sinusugod ng kalaban e sapat naman na ang ilang segundo para sa isang sneak attack.

Pero anu’t ano pa man, isa ito sa mga bagay sa aking kabataan na babalik-balikan ko. Kathang isip man kung ituring dito ko natutunan ang first lessons in life - to stand up for your friends and love ones. At sa huli, palaging tinatalo ng liwanag ang kadiliman. J

Monday, September 24, 2012

Philippines on Learning: ABCs or 123s

It has been long since I sat in front of this 11-inch led screen and write something that is of importance. Painful as it is, my fingers seem to feel the utmost duty to write about this bludgeoning quandary. Indiscriminately, it rouse from nowhere. Although this could be a slap in the face. I have written about it before and nothing can stop me from weaving thoughts that irk from my upset psyche again.


Like particles settling from a forgotten suspension solution, the same happens to the tirade of trying to escape from the vortex of mishaps pinning the Philippines’ quality of education at a standstill. Have we yet admitted defeat or lost or libido in such a snail’s pace, it’s for every one  to tell. Comparable to a snake bite, the ostensibly numbing dilemma leaves the country complacent or rather oblivious of the exponentially growing craters in our dreams of a “tuwid na daan” which in turn, nullifies chances for economic growth or survival even.

Should anyone put it in the light of proofs, such as counting professionals sprinkled like confectioners’ sugar on the face of the globe,  the gravity of the matter shifts the focus to the real situation that Filipinos residing in the Philippines come to face on a daily basis.

According to pcw.com, the country boasts of a literacy rate of 95.6%  in the 2008 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS). Some would, at an instant, throw an applause, although this does not correlate to quality education. It may be true to well-off families but to be able to read and write does not assure a better life.

Philippines has ranked 115th out if the 142 countries pooled in the Global Competitiveness 2011-2012 for Science and Math education (http://www.tempo.com.ph). Seemingly, this two subjects are foundations to advance in the dream of becoming any professional.


Rise now from your deep slumber, 
She's waiting for your hands
to guide her little fingers
as you trace the future her.

On a qualitative note, one could easily describe the ailing situation of education in the country. Documentaries that present a magnified perspectives of the condition is becoming  commonplace. It is but an evolving lackluster show.

The dearth of resources, tangible or intangible, is a an imperative factor that taunts hope to cave in. Thus, we blame the circumstance. Brain drain, for one, has largely imprinted the picture of  Philippine education a duller one. I, as such, have abandoned the course of becoming a full-time educator. I have practical reasons and may as well reap raised brows and side comments but that is not the point.  Teachers’ lack of incentives, once-in-a-blue-moon opportunities for training and retooling, and the enough-to-survive compensation is but a turn off to great mentors to be. To the extent of choosing to become a domestic helper abroad or an agent for a BPO in the country could be a shame. Reality bites and it is painful.

As someone who took up an education course, it is funny how we were trained to use overhead projectors, PowerPoint presentations, video clips and other advanced multi-media instructional materials when some of the schools haven’t even got a chalkboard.

Even concretizing the point is if you turn your attention to statistics. The 1:1 student to book ratio is far from attainable. There is not enough schools to accommodate the growing population of students let alone the hunt for qualified and able teachers.

Most, if not everyone, will point fingers to the small portion of the national budget allotted to education. We are tailing in the list for budget allocation for the education sector among Asian countries. This is a fact that has long been established. The economy itself is a pain. It is a rippling effect as poverty hinders an already poor family from changing their fate when the kid they  had hopes to get a better job in the future they can no longer send to school.

The target is very clear. It is but to find the right grip and sturdy arrows to hit it. After all, it is us who we call Juan dela Cruz and he needs not to let loose and let the shots err.

***author is not claiming photo credit

Thursday, September 13, 2012

Ang Tunay na Lalaki, Totoo sa Sarili

Picture from  http://www.gmanetwork.com
Mula sa take-a-bow moments ko sa pagbabasa ng  librong “The Best of This is a Crazy Planets” na halaw sa blogsite ni Lourd Ernest H. De Veyra ay napadpad ako sa tunaynalalake.blogspot.com na naging inspirasyon niya para sa isa niyang entry na pinamagatang “Ang Tunay na Lalaki Walang Abs.” Sa blogsite na ito ay nakatala ang “Manifesto ng Tunay na Lalake” na isang listahan ng mga katangiang nagsasabi kung alin ang huwad sa hindi.

Ewan ko kung produkto ito ng malikot kong utak o dahil lang sa wala na akong maisip isulat at sinusubukan kong abutin ang calibre ng mga manunulat na tinitingala ko ang nag-udyok upang ang entry na ito’y kasalukuyan mong  binabasa mo ngayon.

Marami na ang nagtangkang ikulong sa kahon ang depinisyon ng kasarian ng tao. Tulad ng mga lalake, may mga katangian at mga gawaing itinuturing na unmanly. Isang klasikong halimbawa a ng pagsusuot ng pink na dati, sa sobrang laki ng isyu, ay pilit na ginawaan ng paraan ang mga daredevils upang matanggap ang pagsusuot ng kulay na ito sa lahi ni Adan. Kaya rin naman and phrase na “Real Men Wear Pink” was coined.

Sa mga naku-curious, heto at ibabahagi ko ang manifesto na iyon na sumikat na at nakita ko pang naka-imprenta sa t-shirt ng superior ko.

|>> Ang tunay na lalake ay ‘di natutulog. Una pa lang natawa na ako dito. So ang mga lalake pala ay mga call center agents o yung mga Adonis na gabi-gabi naka-abang sa Circle? Requirement pala na insomniac ka para maging manly ka sa tingin ng tao. Tsaka naisip ko mahal pala ang may kasamang tunay na lalake sa pagsakay sa eroplano, palagi kasi kayong ma-e-excess baggage sa laki ng mga eyebags nila. So girls, practicality... maghanap ng di tunay na lalake. Char!

|>> Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot. Hindi rin. Ang tunay na lalake ay ‘yung pinapahalagahan ang kapakanan ng girlfriend o asawa niya, na makitext man sa ‘di kakilala o maghanap ng loading station sa kalayuan, ay gagawin para lang ma-assure ang lagay nila. Hindi lang siya ang tinatawagan, siya man ay tumatawag.

|>> Ang tunay na lalake ay laging may extra rice. Lalake pala ‘yung sexy at magandang babae na nakakasabay ko minsan sa pantry na umo-order ng double extra-rice na may patis at sili on the side. Gandang lalake naman n’on.

|>>Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian. Hindi ako ‘sang ayon dito. Sa tingin ko ay isang tunay na pagpapakalalake ang i-deprive ang sarili at disiplinahin ito upang makamit ang isang goal. Hindi rin lang naman pagpapakavain ang connotation ng pagiging vegetarian but is also for one’s own health. Cliché man pero , “Health is still wealth!”

|>> Ang tunay na lalake ay walang abs. Isa pa ito sa pathetic na gawing evidence ng pagiging tunay na lalaki. Kahit pa sabihing pre-plotted ang konseptong naikalat ng media sa mga lalaking may abs ay tiyak na mas kaaya-aya namang tingnan ang mga lalaking meron nito. Isa pa, kung ganun nga ang basehan ng pagiging tunay na lalake, gugustuhin mo ba ang mga ‘to na walang hiya sa sarili na kadalasang nakabalandra ang mga hubad at naglalakihang tiyan sa kalye? Tsaka ang karamihan sa mga sculptur ng gods ng mga Griyego ay may abs naman.


|>> Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw. Ang tunay na lalake sa tingin ko ay ‘yung magalang at maginoong aayain ang babaeng mahal niya na umindak sa isang romantikong tugtugin. Isa pa, feeling ko ang tunay na lalake ay kayang aging cheesy para sa mahal niya. Isa iyong pagpapakita ng katapangan.

|>> Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake. Dito lang ako natuwa. Ang pag-amin lalao na sa mga awkward na sitwasyon ay isang brave move.

|>>Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief. Grabe ‘to. Hindi naman siguro dugyot ang mga lalake ‘no liban nalang kung talagang ‘di talaga nila alam ang salitang hygiene. Sige nga, sino ang may tae sa brief ngayon?

|>> Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae. Tingin ko dagdag pogi points kapag marunong kang magtrabaho sa loob ng bahay. Ang tunay na lalake ay marunong magpakumbaba at kayang isantabi ang bayag niya upang makatulong sa iba.

|>> Ang tunay na lalake ay di nagsisimba. Ito ang pinaka-foul sa lahat at ‘di ko matatanggap. Isa lang, wala namang salitang “lalake” kung walang Diyos  ano pa kaya ang ang “tunay na lalake.” Isang karuwagan ang ang i-deny na may mas malakas na puwersang lumulukob sa sanlibutan.


At sa akin isa lang ang pagiging tunay na lalake at ‘yon ay ang pagiging totoo sa sarili. ‘Yung hindi pipigilan ang mga nararamdaman dahil pilit na ikinukulong ang sarili sa imahe na gawa-gawa lang ng iba. ‘Yung kayang aminin na natutuwa siya sa mga palabas ni Barbie o Hello Kitty. ‘Yung kayang i-appreciate ang art o fashion. ‘Yung kayang mag-sorry at mag-I LOVE YOU sa mga taong mahal niya sa lahat ng panahon. Higit sa lahat ang pagkakaroon niya ng takot sa mga kaya niyang gawin at sa Diyos. Sa bandang huli, hindi isyu ang kasarian at sa halip ay ang kabuuan ng ating pagkatao.

Tuesday, August 21, 2012

Puzzles and Haywire: More Fun in the Philippines

That very fact that she took time interrupting me in the middle of my erudite speech just to dig into her clutch bag, search for her smart phone and take a picture of it is somewhat alarming. “I’ll upload it for my friends to see. We don’t have those in the US,” Ylda blurted.

Curious about the peculiarity of her gestures, I threw a  momentary look at the thing she’s photographing. There they were, like snakes convoluting in an intricate dance are cables of all sorts perched high above us. As if a pun, she asked me how we could identify which cable is which in that seemingly mass of intertwined pasta while flaunting a half grin.

Mulling over her absorption, it took me time to digest her thoughts. It is not that they do not have cables in the US. Working for a telecommunications company in the US as a technical representative over the phone, it is normal to receive calls from customers asking their cables to be buried. Yes, you heard it right, under the ground. They are just practically installed not to look like a ball of hair from you shower drain filter. It is not just so they are not a sore in the eye but also to secure them from suffering damages brought by weathering.

If you look around the Philippine metropolis, you will notice that cables are somewhat a vital part of the action-packed everyday bustles. The city highly depends on these long and lean things to transmit electricity, data and a lot more. Life, which is crammed by man’s race to make it more complex, would have to stop like a film that was paused. We are dependent for the technology we breathe everyday also relies on their existence. Without these cables, how could you possibly upload your photos in your social networking sites when your i-Pad needs charging?

While it’s not what they are or what they do that really snatched my attention but how they are set. It was akin to a ball of yarn recoiled by your purring cat – an embodiment of twists and turns of a  puzzle which solving seem dubious.

I could now very much say that Filipinos are clever. Our electricians being able to pinpoint which cable is working for which is a concrete affirmation of these. On a different light, this slyness also works for the disconcerting craftiness of some of us. Blame it to your neighbor who passionately installed that “jumper” unknowingly setting the slum into an inferno quashing all your valuables into ash. I remember my partner relaying a story of her Aunt who was disbelieved receiving a month’s five-digit electric bill. How could you possibly incur such bills when you weren’t even at your house?

It’s a play of “pitik-bulag.” These could have been the cause of outages and companies’ who supply and maintain then seem not to notice. The lattice of cables, scribbling high may just be ignored until something comes up that’s the only time that action is active. Working or not, they stay as permanent hanging fixtures, as if they were ornaments we should appreciate.

These tangled cables somehow serves as a metaphor of the Philippines. It denotes the country as a concoction of different sub-cultures, ideals and philosophies that either clash or struggle to work as a functional unit. Like the intertwined wirings, some of which could be utterly called accessory appendages for they serve no productive niche but are rather just adding to the mass (mess).

Although puny it may seem, the severity of these macro-spaghetti hanging above our very heads should be addressed. An eye-sore as they are, the dangerous upshots of probable short-circuits is disturbing. Having these in mind, we still stare at them, blankly. After all, it’s one of the things why it’s more fun in the Philippines. Or is it funny?

Wednesday, August 15, 2012

YES NA YES: Choice mo sa TESDA, Unang Hakbang Tungo sa Maunlad na ‘Pinas

Napakalayo na ng inilakbay ni Juan. Tayo ay humaharap sa panahon kung saan ang bawat kilos ay isang napakahalagang susi sa survival at ang fittest ang mananaig. Sa dami ng mga isyung nakalahad kay Juan, ang hindi niya pagiging handa ang maaring magresulta sa kanyang pagkagapi. Mapipilitang gamitin ang kung anoman ang meron siya; limitadong kakayahan sa kasalukuyan niyang estado. Tiis, tiis lang!

Maraming hinihingi ang bansa sa isang mamamayang gaya niya. Ang kontribusyon niya sa pangkalahatang kaunlaran ng Pilipinas ay isang obligasyong nakapatong sa kanyang magkabilang balikat. Hindi kaila sa atin na marami ang nagdarahop. Seryosong usapin ang political at ekonomikal na kalagayan ng bansa at ang mga isyung humihingi ng atensiyon ni Juan ay maari niya lamang na mapalampas. Paano nga bang makakasali sa ganitong mga usapin ang pangkaraniwang mamamayan kung ang sarili’y salat sa pag-unlad at siya’y kasalukuyang umaamot ng ipanglalaman sa tiyan?

Hindi na kailangang magtiis. Maaari nang matapos ang pamamaluktot. May mas mahaba nang kumot. Dahil sa TESDA may choice ka.

photo credits - TESDA
Maitatayang isa sa mga pinkamahusay na solusyon sa mga suliranin ng bansa ay ang pag-uumpisa sa sarili. Ang paghasa sa mga kakayanan upang magamit sa pag-asenso ay ang unang hakbang. Ito ang isang handog ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Layunin nitong akayin ang mga mamamayan, anoman ang kasarian at estado sa buhay, na magsimulang paunlarin ang saliri sa mga kursong teknikal/vocational at mga programang pangkomunidad kung saan ay mayroon kang mapagpipilian sa kung anomang linya mo gusto magpakadalubhasa. Ito ay upang habang nililinang mo ang iyong mga sariling kakayanan ay nararamdaman mo rin sa iyong sarili ang kasiyahan ng paggawa ng  nais mo. Sa pag-agapay ng TESDA ay tiyak na ang pinili mong unang hakbang ay tungo sa iyong pag-asenso.

Sa mga trainings and certifications, maaari kang maging kwalipikado sa mga trabahong dati rati ay iniiwasan ka lang. Hindi lamang ito dito sa bansa kundi pati sa buong mundo. Tiyak na magiging world class ang iyong mga kakayahan at wala nang dahilan upang ikaw ay magpatalo. Dahil sa TESDA, ang pagpili mo ay pihadong kaunlaran ang ibubunga at ang “fittest” na matitiyak ang survival ay tiyak na ikaw na!

Hindi mo mamamalayang pinasasalamatan ka na ng bansa, dahil sa pagtulong mo sa iyong sarili’y ang siya mo ring paghikayat sa iba pang tumalima’t umpisahan ang pagpapaunlad at pagkumpuni. At ang isa’y magiging dalawa hanggang sa ang salitang “tiis” ay maglaho sa bokabularyo ng ‘Pinas.

Ang sabi nila, habang maiksi ang kumot ay matutong mamaluktot. Pero bakit pa magtitiis at mamaluktot kung sa TESDA, may CHOICE ka na! 

Yes na yes na, ‘di ba?


*This is an OFFICIAL ENTRY in the TESDA BLOG CONTEST

Monday, August 13, 2012

SIRKULO: Paggunaw at Pagbangon

Matagal-tagal na rin bago ko nabisita at na-update ‘tong blog ko. “Hiatus na naman?” sigaw ng alter ego ko. Anyare? 

Maraming mga factors ang contributory sa ‘di ko pamamansin sa blogsite na ito. Transitioning ang schedule ko sa trabaho kaya naman palagi akong  tulog. Kadalasan tinatamad lang talaga mag-load. Asa lang kasi sa prepaid broadband service and internet connection sa dorm. Isa pa, masyadong maulan nitong  nakaraang linggo. Ayaw ko pa man din sa mamasa-masa.

Nanatili lang kami madalas sa kwarto habang pinanonood  kung paanong binilasa ng ulan at ng baha ang Pilipinas. May mga nasawi. Nasirang mga ari-arian. Isang replay mula sa pelikulang pinagbidahan noon ng Bagyong Ondoy.  Marami ang lubos na nanghinayang at nagdalamhati. Umuulit lang ang mga tagpo. Isang problema ang kailangang tumapik sa ating mga natutulog na diwa upang mag-isip – mag-isip ng tama at ng para sa kapwa.

Buhay na naman ang bayanihan. Ads to collect money and goods to provide for those who were affected by the flood swarmed the idiot box. Maraming nag-abot ng tulong. Marami na naman supot ng relief goods; supot ng panandaliang kaginhawaan na mananatili ng libong taon upang muling bumara sa mga kanal at estero. Nagsulputang parang mga kabute ang mga evacuation center; halo-halo at parang mga sardinas ang tao. 

Sa kabilang banda, nakabibilib na may mga taong itinataya ang sariling kaligtasan upang rumesponde sa mga taong mas nangangailangan ng tulong. Nakakainis lang na ang mga taong nangangailangan ng tulong ay ‘yun ding mga taong tumangging lumikas noong mga panahong inabisuhn sila. Kesyo baka manakawan daw sila. Sa akin naman, mas importanteng iligtas ang buhay kaysa ang mga gamit na hindi mo naman na mapakikinabang kapag nabingwit na ang bangkay mo sa baha.

Pabalik-balik lang ang mga ganitong eksena. Hindi naman dating ganito ang pagbaha. Isang tanong ay hindi ang kung ano ang magagwa natin sa mga ganitong sakuna kundi kung ANO ANG DAPAT NATING GINAWA BAGO PA ANG SAKUNA?

Parang isang sirkulo, sa tuwing may mga baha at pagbagyo ay umuulit lang ang pag-evacuate, pagrescue at pagrehabilitate. Mga band-aid solution. Subalit ang mga bagay na pilit tinatapalan ay ang mga resulta ng mga maling desisyon ng ating nakaraan. 

Masyado nang maraming tao sa Maynila. Ang malaking populasyon ay nangangailangan ng espasyo para sa mga bahay. Idagdag mo pa na dahil isa itong sentro ng komersiyo, maraming mga gusaling industrial ang itinayo at itinatayo pa taon-taon. Pilit pinagsisiksikan ang lahat ng ito sa isang maliit na lugar. Wala ring urban planning. Isama pa ang pag-abuso natin at pagwawalang bahala. Hndi na kataka-taka ang mga nangyayari. Ang lobo kapag sobra ang hangin pumuputok.

May nakaisip na magrelocate sa mga karatig bayan. Kailangan lang ng transportasyon na kukonekta sa Maynila at sa mga ito. Ang siste, walang pondo. Kaya panigurado akong magtitiyaga si Juan sa panonood ng peikula ng mga bagyo, hindi man pinirata, gasgas sa kauulit.

At sa muling pagguhit ng mga patak ng ulan sa kalangitan ay ang siya ring pagdami ng mga kamay na muling nakalahad, naghihitay sa mga supot ng relief goods habang ang mga bahay at ari-aria'y nilulunod ng baha. Isang sirkulo. Replay-replay lang.

Wednesday, July 25, 2012

NOMENCLATURE: Mga Lalaki, Gaya Nila Dati, ATBP

Bilang Science ang specialization ko noong College, hindi ako pinalamapas ng mga subject na may kinalaman sa  buhay ng tao at sa pag-ikot ng mundo. Nariyang huhuli ka ng palaka, babalatan, hihiwain at imememorya mo  ang bawat laman, lamang loob, buto at litid ng mga kawawang nilalang. Tandang-tanda pa ng ilong ko ang hapding dulot sa tuwing gumuguhit ang amoy ng formaldehyde kapag binubutingting namin ang mga kamag-anak ni Kerokeropi.

Pero ang minsang ‘di kinakaya ng utak ko ay ang pagmemorya ng mga scientific names at kung paano ko maaalala kung saang phylum, class, order at kung ano pang kachorvahan nakabilang ang isang creature. Kasalanan ito ni Carolus Linnaeus e, ang Father of Modern Taxonomy. Pero keri na rin dahil at least nagkaroon ng organisasyon at walang nang dahilan upang mag-alsa ang mga aktibistang putakti dahil sa ‘di sila na-acknowledge. Aba, liban na lang kung shy type at ayaw padiscover ng lahi nila.

Homo sapiens, ito ang scientific name nating mga tao. Oo, tao kesehodang “hayop” ang tingin ng iba sa iyo. Maiba lang at gusto kong mag-astang Linnaeus. Napagtripan ko gumawa ng sariling nomenclature sa mga lalaki, aggregates at derivatives nila. (Ano raw?) Just scroll down and learn. Tsarlot J

Ø  HIPON (Adanus hiponis) – Almost perfect. Perfect almost. Guwapo sa malayo pero kapag lumapit na malayo na sa guwapo. Mula paa hanggang leeg e paglalawayan mo. Mga tipong pangmodel. Matangkad. Tipong panaderya ang katawan sa dami ng pandesal. Swak pangphotoshoot plus the power of Photoshop. Marami kung magpost ng picture sa Twitter at Facebook, pugot nga lang.

Ø  LOLLIPOP (Adanus lollipopus) – “Aanhin ang seksing body kung mukha lang ang kailangan sa ID,” ito ang tagline ng samahan ng mga ito. Puro “beauty shot” naman ang laman ng mga SNS kasi either mataba o payat ang katawan.

Ø BULALO (Adanus bulalowis) – Mga kamag-anak ni Dexter. Ito ‘yung malalakas ang loob makipagtexmate, phone pal at makipagchat. Magaling sa word play. Intellectual at marunong magcompliment. Maiimagine mo ang perfect guy sa tuwing kausap mo sila kaso bigla na lang nang-iiwan sa ere kapag nagreply ka na ng eyeball o cam-to-cam kahit may puh-lease pa!

Ø  BUKO (Adanus cocoferamen) – Nevermind na ang physical features. Kaso umaapaw naman ang inner beauty. Masipag. Malambing. Magaling manuyo at mang-amo. Nagagawan naman ng paraan ‘yan . Print lang ng picture ni Derek at itapal sa fes. Echos!

Ø  GAY-SHA (Adanus loveangkaparis) –Sino pa. Alam na. Plangak. Mga anak na walang magulang pero patuloy ang pagdami. Mga salita'y swardspeak, nihonggay at gay lingo. Iba’t iba ang uri. Isang bowl ng salad ang community. May sarili ring nomenclature. Effem. Pamhin/Paminta na may durog at buo. Closeta. Pagurl. Mukha nang gurl. Nagpipilit maging gurl. Sheman. Golden gay. At kung anu-ano pa. Sabi nga nila, “”We are within and amongst you!” Nakakalurkey!

Ø SHEBOLI (Ebasha loveangkaparis) – Ba’t kasali ‘to? Well, baka may mag-aklas at sabihing discriminating ako at maireklamo ako sa Ladlad Patry List. Baka masampahan pa ako ng kaso ng mga advocates ng LGBT. Lalaki nga naman ang topic at ‘yun ang orientation nila. Gaya ng mga Gay-sha, salad bowl din ang mga ito. Pabrusko. Discrete. You name it!

That’s it folks. Marami pa. Pagod na nga lang ako. Marami pa ring ‘di nadidiskubre. At tsaka hirap na akong isipan ng pangalan kapag ang classification ay kombinasyon na ng mga ito. Pwede kasing macategorize ang mga lalaki/dating-lalaki/gustong-maging-lalaki sa kahit dalawa o tatlo sa mga nabanggit. At dumarami pa sila. Totoo nga ang evolution. Nag-evolve na nga ang mga Homo sapiens ng hindi nila nalalaman. Sana mareincarnate na si Linnaeus, hirap ng trabaho niya e. Rest in peace. Peace! At sa mga medyo nagtaas ng kilay o uminit ang ulo, tandaan: “Bato-bato sa langit ang tamaan... charing!”