Wednesday, July 25, 2012

NOMENCLATURE: Mga Lalaki, Gaya Nila Dati, ATBP

Bilang Science ang specialization ko noong College, hindi ako pinalamapas ng mga subject na may kinalaman sa  buhay ng tao at sa pag-ikot ng mundo. Nariyang huhuli ka ng palaka, babalatan, hihiwain at imememorya mo  ang bawat laman, lamang loob, buto at litid ng mga kawawang nilalang. Tandang-tanda pa ng ilong ko ang hapding dulot sa tuwing gumuguhit ang amoy ng formaldehyde kapag binubutingting namin ang mga kamag-anak ni Kerokeropi.

Pero ang minsang ‘di kinakaya ng utak ko ay ang pagmemorya ng mga scientific names at kung paano ko maaalala kung saang phylum, class, order at kung ano pang kachorvahan nakabilang ang isang creature. Kasalanan ito ni Carolus Linnaeus e, ang Father of Modern Taxonomy. Pero keri na rin dahil at least nagkaroon ng organisasyon at walang nang dahilan upang mag-alsa ang mga aktibistang putakti dahil sa ‘di sila na-acknowledge. Aba, liban na lang kung shy type at ayaw padiscover ng lahi nila.

Homo sapiens, ito ang scientific name nating mga tao. Oo, tao kesehodang “hayop” ang tingin ng iba sa iyo. Maiba lang at gusto kong mag-astang Linnaeus. Napagtripan ko gumawa ng sariling nomenclature sa mga lalaki, aggregates at derivatives nila. (Ano raw?) Just scroll down and learn. Tsarlot J

Ø  HIPON (Adanus hiponis) – Almost perfect. Perfect almost. Guwapo sa malayo pero kapag lumapit na malayo na sa guwapo. Mula paa hanggang leeg e paglalawayan mo. Mga tipong pangmodel. Matangkad. Tipong panaderya ang katawan sa dami ng pandesal. Swak pangphotoshoot plus the power of Photoshop. Marami kung magpost ng picture sa Twitter at Facebook, pugot nga lang.

Ø  LOLLIPOP (Adanus lollipopus) – “Aanhin ang seksing body kung mukha lang ang kailangan sa ID,” ito ang tagline ng samahan ng mga ito. Puro “beauty shot” naman ang laman ng mga SNS kasi either mataba o payat ang katawan.

Ø BULALO (Adanus bulalowis) – Mga kamag-anak ni Dexter. Ito ‘yung malalakas ang loob makipagtexmate, phone pal at makipagchat. Magaling sa word play. Intellectual at marunong magcompliment. Maiimagine mo ang perfect guy sa tuwing kausap mo sila kaso bigla na lang nang-iiwan sa ere kapag nagreply ka na ng eyeball o cam-to-cam kahit may puh-lease pa!

Ø  BUKO (Adanus cocoferamen) – Nevermind na ang physical features. Kaso umaapaw naman ang inner beauty. Masipag. Malambing. Magaling manuyo at mang-amo. Nagagawan naman ng paraan ‘yan . Print lang ng picture ni Derek at itapal sa fes. Echos!

Ø  GAY-SHA (Adanus loveangkaparis) –Sino pa. Alam na. Plangak. Mga anak na walang magulang pero patuloy ang pagdami. Mga salita'y swardspeak, nihonggay at gay lingo. Iba’t iba ang uri. Isang bowl ng salad ang community. May sarili ring nomenclature. Effem. Pamhin/Paminta na may durog at buo. Closeta. Pagurl. Mukha nang gurl. Nagpipilit maging gurl. Sheman. Golden gay. At kung anu-ano pa. Sabi nga nila, “”We are within and amongst you!” Nakakalurkey!

Ø SHEBOLI (Ebasha loveangkaparis) – Ba’t kasali ‘to? Well, baka may mag-aklas at sabihing discriminating ako at maireklamo ako sa Ladlad Patry List. Baka masampahan pa ako ng kaso ng mga advocates ng LGBT. Lalaki nga naman ang topic at ‘yun ang orientation nila. Gaya ng mga Gay-sha, salad bowl din ang mga ito. Pabrusko. Discrete. You name it!

That’s it folks. Marami pa. Pagod na nga lang ako. Marami pa ring ‘di nadidiskubre. At tsaka hirap na akong isipan ng pangalan kapag ang classification ay kombinasyon na ng mga ito. Pwede kasing macategorize ang mga lalaki/dating-lalaki/gustong-maging-lalaki sa kahit dalawa o tatlo sa mga nabanggit. At dumarami pa sila. Totoo nga ang evolution. Nag-evolve na nga ang mga Homo sapiens ng hindi nila nalalaman. Sana mareincarnate na si Linnaeus, hirap ng trabaho niya e. Rest in peace. Peace! At sa mga medyo nagtaas ng kilay o uminit ang ulo, tandaan: “Bato-bato sa langit ang tamaan... charing!”

3 comments:

Angie Pangan said...

malikot ang isip mo :) nice one

POINTBLANK at ang Awtor said...

Hehe, solicited comment ba ito... Dati nang malikot isip ko, lagi nga kaming nagtatalo eh :)

andie said...

May mga bagong terminologies pa