Showing posts with label Social Relevance. Show all posts
Showing posts with label Social Relevance. Show all posts

Sunday, September 30, 2012

Only in Anime’s and Cartoons


If you don't know anyone in this picture,
you missed half of your childhood.
Not everyone gets to be an adult when they grow up.  

Sabi nga nila, “There is always a child in us.”

Isa ito sa mga cliché na isinasabuhay ko at alam kong totoo. Iisipin mo kayang isang carfree little kid sina Manny Pacquiao, Mike Enriquez, Tulfo Brothers o si Miriam Defensor Santiago? Malamang sa hilatsa pa lamang ng kanilang mga pigura ay malamang na iiling ka na o marahil ay kukunot ang ‘yng noo. Pero lahat tayo ay dumaan sa pagkabata. Kung sila ang tinitingala ng iba sa ngayon (o kinaiinisan kaya? oops!) pupusta akong noong mga uhuging bata pa sila’y may mga tiningala rin silang mga hero a heroines sa mga morning kiddie shows nila noon.

Ewan ko lang sa kanila, pero anime at cartoons na ang kinagisnan ko. Sino ba ang di makakakilala kina Son Goku, Ash Ketchum, at Pikachu, Naruto, Recca, Gon, Ichigo, Winx Fairies (oo nanonood ako niyan) Natsu, Luffy, Doraemon at kung sino-sino pa? Sigurado ring may kani-kaniyang listahan ang mga kabataan ng kanilang top anime/cartoon list.

Nakatutuwa ang mga kapangyarihan at mga kakaibang adventure na mistulang walang katapusan sa buong umagang kadalasan kong inuubos sa pagka-cartoon marathon. Hanggang sa ngayon, isa itong stress buster at hindi matatawaran ang saying naidudulot nito sa akin.

Pero dahil hindi narin naman talaga ako bata (isip bata oo!) marami lang akong napappansin o nagpapansin lang ako? Ito ‘yung mga bagay na sa Anime’ at cartoons lang talaga nangyayari. Dahil kahit seryoso at tunay ang mga conflicts at inner demons ng mga protagonists, may mga bagay na hindi mukhang seryoso.

Hindi nagpapalit ng damit ang mga characters. Mga kids huwag gagayahin ang mga ‘to. Kahit pa sobrang pogi ni Kakashi o ganda ni Nami at Robin. Alam kaya nila ang salitang hygiene. Haay, araw-araw ‘yata e parehong damit ang suot nila o kung hindi man sa susunod na season pa maiisipang magbihis, ‘sing dalas lang ng pagpapalit ng kalaban. Kataka-taka lang na matapos marumihan at magutay-gutay e lilinis agad parang brand new  ang kanilang mga suot sa susunod na appearance.

Isa pa sobrang tibay ng mga damit nila. Sa Dragon Ball Z halimbawa, kahit malunod na sa energy blast e nagkakasugat-sugat lang si Goku o nagugutay konti ang damit pero di naman siya tuluyang nahuhubaran. Minsan nga hinati ni Android 18 ‘yung isang kotse pero hindi man lang napunit yung manggas ng sweatshirt na ninakaw niya sa isang store. Sa ibang anime pa, kahit apoy di uubra sa mga damit nila. Iniisip ko kung fire proof material gawa ang mga iyon o water proof din kaya? 

It is also where you can slam a person to a wall without effort.  Sa mga normal (but not so normal) type ng anime ko ‘to napapansin. Parte ng comic relief. Nakatutuwa lang na ‘yung mga cute na babaeng may mga pipis na katawan ay nakakayang buhatin ‘yung mga lalaki para ibalibag sa pader o sa malalaking bato.

Sumusulpot din mula sa kung saan ang mga gamit ng bida. Sa Pokemon hindi ko maisip kung paanong nagkakasya ang food containers, lutuan at lamesang ginagamit nina Ash sa tuwing may mga eksenang kumakain sila  sa maliliit nilang backpacks. ‘Yun lang naman ang dala nila. Iisa kaya ang gumawa ng mga ‘yon at ng bulsa ni Doraemon?

Ito ang mga ultimate lang na nakakainis at kinaiinisan ko:

Bobo ang mga bida, mas bobo ang mga kalaban. Maliban sa mga radio programs, sa anime ko lang isinisigaw ng mga bida na aatake sila sa mga kalaban at may pangalan dapat ang bawat isa sa mga ito. Gomu gomu no, Pistol! Kame Hame Wave! Ray Gun! Unang Dragon, Nadare Tad En! Jan ken Gu! Pikachu, bolt tackle! Natatandaan mo pa ba ang mga ito? Napakatagal ng mga  ito mag-activate di ba? Sisipatin pa ang stance, huhugot ng hininga at bibigkasin ang mga magic words.

‘Yung iba naman may mga transformations pa. Tulad ng Winx, ng mga Digimon o ng pag-activate ni Sakura sa kanyang wand. Ewan ko ba at di pa sila sinusugod ng kalaban e sapat naman na ang ilang segundo para sa isang sneak attack.

Pero anu’t ano pa man, isa ito sa mga bagay sa aking kabataan na babalik-balikan ko. Kathang isip man kung ituring dito ko natutunan ang first lessons in life - to stand up for your friends and love ones. At sa huli, palaging tinatalo ng liwanag ang kadiliman. J

Monday, September 24, 2012

Philippines on Learning: ABCs or 123s

It has been long since I sat in front of this 11-inch led screen and write something that is of importance. Painful as it is, my fingers seem to feel the utmost duty to write about this bludgeoning quandary. Indiscriminately, it rouse from nowhere. Although this could be a slap in the face. I have written about it before and nothing can stop me from weaving thoughts that irk from my upset psyche again.


Like particles settling from a forgotten suspension solution, the same happens to the tirade of trying to escape from the vortex of mishaps pinning the Philippines’ quality of education at a standstill. Have we yet admitted defeat or lost or libido in such a snail’s pace, it’s for every one  to tell. Comparable to a snake bite, the ostensibly numbing dilemma leaves the country complacent or rather oblivious of the exponentially growing craters in our dreams of a “tuwid na daan” which in turn, nullifies chances for economic growth or survival even.

Should anyone put it in the light of proofs, such as counting professionals sprinkled like confectioners’ sugar on the face of the globe,  the gravity of the matter shifts the focus to the real situation that Filipinos residing in the Philippines come to face on a daily basis.

According to pcw.com, the country boasts of a literacy rate of 95.6%  in the 2008 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS). Some would, at an instant, throw an applause, although this does not correlate to quality education. It may be true to well-off families but to be able to read and write does not assure a better life.

Philippines has ranked 115th out if the 142 countries pooled in the Global Competitiveness 2011-2012 for Science and Math education (http://www.tempo.com.ph). Seemingly, this two subjects are foundations to advance in the dream of becoming any professional.


Rise now from your deep slumber, 
She's waiting for your hands
to guide her little fingers
as you trace the future her.

On a qualitative note, one could easily describe the ailing situation of education in the country. Documentaries that present a magnified perspectives of the condition is becoming  commonplace. It is but an evolving lackluster show.

The dearth of resources, tangible or intangible, is a an imperative factor that taunts hope to cave in. Thus, we blame the circumstance. Brain drain, for one, has largely imprinted the picture of  Philippine education a duller one. I, as such, have abandoned the course of becoming a full-time educator. I have practical reasons and may as well reap raised brows and side comments but that is not the point.  Teachers’ lack of incentives, once-in-a-blue-moon opportunities for training and retooling, and the enough-to-survive compensation is but a turn off to great mentors to be. To the extent of choosing to become a domestic helper abroad or an agent for a BPO in the country could be a shame. Reality bites and it is painful.

As someone who took up an education course, it is funny how we were trained to use overhead projectors, PowerPoint presentations, video clips and other advanced multi-media instructional materials when some of the schools haven’t even got a chalkboard.

Even concretizing the point is if you turn your attention to statistics. The 1:1 student to book ratio is far from attainable. There is not enough schools to accommodate the growing population of students let alone the hunt for qualified and able teachers.

Most, if not everyone, will point fingers to the small portion of the national budget allotted to education. We are tailing in the list for budget allocation for the education sector among Asian countries. This is a fact that has long been established. The economy itself is a pain. It is a rippling effect as poverty hinders an already poor family from changing their fate when the kid they  had hopes to get a better job in the future they can no longer send to school.

The target is very clear. It is but to find the right grip and sturdy arrows to hit it. After all, it is us who we call Juan dela Cruz and he needs not to let loose and let the shots err.

***author is not claiming photo credit

Thursday, September 13, 2012

Ang Tunay na Lalaki, Totoo sa Sarili

Picture from  http://www.gmanetwork.com
Mula sa take-a-bow moments ko sa pagbabasa ng  librong “The Best of This is a Crazy Planets” na halaw sa blogsite ni Lourd Ernest H. De Veyra ay napadpad ako sa tunaynalalake.blogspot.com na naging inspirasyon niya para sa isa niyang entry na pinamagatang “Ang Tunay na Lalaki Walang Abs.” Sa blogsite na ito ay nakatala ang “Manifesto ng Tunay na Lalake” na isang listahan ng mga katangiang nagsasabi kung alin ang huwad sa hindi.

Ewan ko kung produkto ito ng malikot kong utak o dahil lang sa wala na akong maisip isulat at sinusubukan kong abutin ang calibre ng mga manunulat na tinitingala ko ang nag-udyok upang ang entry na ito’y kasalukuyan mong  binabasa mo ngayon.

Marami na ang nagtangkang ikulong sa kahon ang depinisyon ng kasarian ng tao. Tulad ng mga lalake, may mga katangian at mga gawaing itinuturing na unmanly. Isang klasikong halimbawa a ng pagsusuot ng pink na dati, sa sobrang laki ng isyu, ay pilit na ginawaan ng paraan ang mga daredevils upang matanggap ang pagsusuot ng kulay na ito sa lahi ni Adan. Kaya rin naman and phrase na “Real Men Wear Pink” was coined.

Sa mga naku-curious, heto at ibabahagi ko ang manifesto na iyon na sumikat na at nakita ko pang naka-imprenta sa t-shirt ng superior ko.

|>> Ang tunay na lalake ay ‘di natutulog. Una pa lang natawa na ako dito. So ang mga lalake pala ay mga call center agents o yung mga Adonis na gabi-gabi naka-abang sa Circle? Requirement pala na insomniac ka para maging manly ka sa tingin ng tao. Tsaka naisip ko mahal pala ang may kasamang tunay na lalake sa pagsakay sa eroplano, palagi kasi kayong ma-e-excess baggage sa laki ng mga eyebags nila. So girls, practicality... maghanap ng di tunay na lalake. Char!

|>> Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot. Hindi rin. Ang tunay na lalake ay ‘yung pinapahalagahan ang kapakanan ng girlfriend o asawa niya, na makitext man sa ‘di kakilala o maghanap ng loading station sa kalayuan, ay gagawin para lang ma-assure ang lagay nila. Hindi lang siya ang tinatawagan, siya man ay tumatawag.

|>> Ang tunay na lalake ay laging may extra rice. Lalake pala ‘yung sexy at magandang babae na nakakasabay ko minsan sa pantry na umo-order ng double extra-rice na may patis at sili on the side. Gandang lalake naman n’on.

|>>Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian. Hindi ako ‘sang ayon dito. Sa tingin ko ay isang tunay na pagpapakalalake ang i-deprive ang sarili at disiplinahin ito upang makamit ang isang goal. Hindi rin lang naman pagpapakavain ang connotation ng pagiging vegetarian but is also for one’s own health. Cliché man pero , “Health is still wealth!”

|>> Ang tunay na lalake ay walang abs. Isa pa ito sa pathetic na gawing evidence ng pagiging tunay na lalaki. Kahit pa sabihing pre-plotted ang konseptong naikalat ng media sa mga lalaking may abs ay tiyak na mas kaaya-aya namang tingnan ang mga lalaking meron nito. Isa pa, kung ganun nga ang basehan ng pagiging tunay na lalake, gugustuhin mo ba ang mga ‘to na walang hiya sa sarili na kadalasang nakabalandra ang mga hubad at naglalakihang tiyan sa kalye? Tsaka ang karamihan sa mga sculptur ng gods ng mga Griyego ay may abs naman.


|>> Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw. Ang tunay na lalake sa tingin ko ay ‘yung magalang at maginoong aayain ang babaeng mahal niya na umindak sa isang romantikong tugtugin. Isa pa, feeling ko ang tunay na lalake ay kayang aging cheesy para sa mahal niya. Isa iyong pagpapakita ng katapangan.

|>> Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake. Dito lang ako natuwa. Ang pag-amin lalao na sa mga awkward na sitwasyon ay isang brave move.

|>>Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief. Grabe ‘to. Hindi naman siguro dugyot ang mga lalake ‘no liban nalang kung talagang ‘di talaga nila alam ang salitang hygiene. Sige nga, sino ang may tae sa brief ngayon?

|>> Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae. Tingin ko dagdag pogi points kapag marunong kang magtrabaho sa loob ng bahay. Ang tunay na lalake ay marunong magpakumbaba at kayang isantabi ang bayag niya upang makatulong sa iba.

|>> Ang tunay na lalake ay di nagsisimba. Ito ang pinaka-foul sa lahat at ‘di ko matatanggap. Isa lang, wala namang salitang “lalake” kung walang Diyos  ano pa kaya ang ang “tunay na lalake.” Isang karuwagan ang ang i-deny na may mas malakas na puwersang lumulukob sa sanlibutan.


At sa akin isa lang ang pagiging tunay na lalake at ‘yon ay ang pagiging totoo sa sarili. ‘Yung hindi pipigilan ang mga nararamdaman dahil pilit na ikinukulong ang sarili sa imahe na gawa-gawa lang ng iba. ‘Yung kayang aminin na natutuwa siya sa mga palabas ni Barbie o Hello Kitty. ‘Yung kayang i-appreciate ang art o fashion. ‘Yung kayang mag-sorry at mag-I LOVE YOU sa mga taong mahal niya sa lahat ng panahon. Higit sa lahat ang pagkakaroon niya ng takot sa mga kaya niyang gawin at sa Diyos. Sa bandang huli, hindi isyu ang kasarian at sa halip ay ang kabuuan ng ating pagkatao.

Tuesday, August 21, 2012

Puzzles and Haywire: More Fun in the Philippines

That very fact that she took time interrupting me in the middle of my erudite speech just to dig into her clutch bag, search for her smart phone and take a picture of it is somewhat alarming. “I’ll upload it for my friends to see. We don’t have those in the US,” Ylda blurted.

Curious about the peculiarity of her gestures, I threw a  momentary look at the thing she’s photographing. There they were, like snakes convoluting in an intricate dance are cables of all sorts perched high above us. As if a pun, she asked me how we could identify which cable is which in that seemingly mass of intertwined pasta while flaunting a half grin.

Mulling over her absorption, it took me time to digest her thoughts. It is not that they do not have cables in the US. Working for a telecommunications company in the US as a technical representative over the phone, it is normal to receive calls from customers asking their cables to be buried. Yes, you heard it right, under the ground. They are just practically installed not to look like a ball of hair from you shower drain filter. It is not just so they are not a sore in the eye but also to secure them from suffering damages brought by weathering.

If you look around the Philippine metropolis, you will notice that cables are somewhat a vital part of the action-packed everyday bustles. The city highly depends on these long and lean things to transmit electricity, data and a lot more. Life, which is crammed by man’s race to make it more complex, would have to stop like a film that was paused. We are dependent for the technology we breathe everyday also relies on their existence. Without these cables, how could you possibly upload your photos in your social networking sites when your i-Pad needs charging?

While it’s not what they are or what they do that really snatched my attention but how they are set. It was akin to a ball of yarn recoiled by your purring cat – an embodiment of twists and turns of a  puzzle which solving seem dubious.

I could now very much say that Filipinos are clever. Our electricians being able to pinpoint which cable is working for which is a concrete affirmation of these. On a different light, this slyness also works for the disconcerting craftiness of some of us. Blame it to your neighbor who passionately installed that “jumper” unknowingly setting the slum into an inferno quashing all your valuables into ash. I remember my partner relaying a story of her Aunt who was disbelieved receiving a month’s five-digit electric bill. How could you possibly incur such bills when you weren’t even at your house?

It’s a play of “pitik-bulag.” These could have been the cause of outages and companies’ who supply and maintain then seem not to notice. The lattice of cables, scribbling high may just be ignored until something comes up that’s the only time that action is active. Working or not, they stay as permanent hanging fixtures, as if they were ornaments we should appreciate.

These tangled cables somehow serves as a metaphor of the Philippines. It denotes the country as a concoction of different sub-cultures, ideals and philosophies that either clash or struggle to work as a functional unit. Like the intertwined wirings, some of which could be utterly called accessory appendages for they serve no productive niche but are rather just adding to the mass (mess).

Although puny it may seem, the severity of these macro-spaghetti hanging above our very heads should be addressed. An eye-sore as they are, the dangerous upshots of probable short-circuits is disturbing. Having these in mind, we still stare at them, blankly. After all, it’s one of the things why it’s more fun in the Philippines. Or is it funny?

Wednesday, August 15, 2012

YES NA YES: Choice mo sa TESDA, Unang Hakbang Tungo sa Maunlad na ‘Pinas

Napakalayo na ng inilakbay ni Juan. Tayo ay humaharap sa panahon kung saan ang bawat kilos ay isang napakahalagang susi sa survival at ang fittest ang mananaig. Sa dami ng mga isyung nakalahad kay Juan, ang hindi niya pagiging handa ang maaring magresulta sa kanyang pagkagapi. Mapipilitang gamitin ang kung anoman ang meron siya; limitadong kakayahan sa kasalukuyan niyang estado. Tiis, tiis lang!

Maraming hinihingi ang bansa sa isang mamamayang gaya niya. Ang kontribusyon niya sa pangkalahatang kaunlaran ng Pilipinas ay isang obligasyong nakapatong sa kanyang magkabilang balikat. Hindi kaila sa atin na marami ang nagdarahop. Seryosong usapin ang political at ekonomikal na kalagayan ng bansa at ang mga isyung humihingi ng atensiyon ni Juan ay maari niya lamang na mapalampas. Paano nga bang makakasali sa ganitong mga usapin ang pangkaraniwang mamamayan kung ang sarili’y salat sa pag-unlad at siya’y kasalukuyang umaamot ng ipanglalaman sa tiyan?

Hindi na kailangang magtiis. Maaari nang matapos ang pamamaluktot. May mas mahaba nang kumot. Dahil sa TESDA may choice ka.

photo credits - TESDA
Maitatayang isa sa mga pinkamahusay na solusyon sa mga suliranin ng bansa ay ang pag-uumpisa sa sarili. Ang paghasa sa mga kakayanan upang magamit sa pag-asenso ay ang unang hakbang. Ito ang isang handog ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Layunin nitong akayin ang mga mamamayan, anoman ang kasarian at estado sa buhay, na magsimulang paunlarin ang saliri sa mga kursong teknikal/vocational at mga programang pangkomunidad kung saan ay mayroon kang mapagpipilian sa kung anomang linya mo gusto magpakadalubhasa. Ito ay upang habang nililinang mo ang iyong mga sariling kakayanan ay nararamdaman mo rin sa iyong sarili ang kasiyahan ng paggawa ng  nais mo. Sa pag-agapay ng TESDA ay tiyak na ang pinili mong unang hakbang ay tungo sa iyong pag-asenso.

Sa mga trainings and certifications, maaari kang maging kwalipikado sa mga trabahong dati rati ay iniiwasan ka lang. Hindi lamang ito dito sa bansa kundi pati sa buong mundo. Tiyak na magiging world class ang iyong mga kakayahan at wala nang dahilan upang ikaw ay magpatalo. Dahil sa TESDA, ang pagpili mo ay pihadong kaunlaran ang ibubunga at ang “fittest” na matitiyak ang survival ay tiyak na ikaw na!

Hindi mo mamamalayang pinasasalamatan ka na ng bansa, dahil sa pagtulong mo sa iyong sarili’y ang siya mo ring paghikayat sa iba pang tumalima’t umpisahan ang pagpapaunlad at pagkumpuni. At ang isa’y magiging dalawa hanggang sa ang salitang “tiis” ay maglaho sa bokabularyo ng ‘Pinas.

Ang sabi nila, habang maiksi ang kumot ay matutong mamaluktot. Pero bakit pa magtitiis at mamaluktot kung sa TESDA, may CHOICE ka na! 

Yes na yes na, ‘di ba?


*This is an OFFICIAL ENTRY in the TESDA BLOG CONTEST

Monday, August 13, 2012

SIRKULO: Paggunaw at Pagbangon

Matagal-tagal na rin bago ko nabisita at na-update ‘tong blog ko. “Hiatus na naman?” sigaw ng alter ego ko. Anyare? 

Maraming mga factors ang contributory sa ‘di ko pamamansin sa blogsite na ito. Transitioning ang schedule ko sa trabaho kaya naman palagi akong  tulog. Kadalasan tinatamad lang talaga mag-load. Asa lang kasi sa prepaid broadband service and internet connection sa dorm. Isa pa, masyadong maulan nitong  nakaraang linggo. Ayaw ko pa man din sa mamasa-masa.

Nanatili lang kami madalas sa kwarto habang pinanonood  kung paanong binilasa ng ulan at ng baha ang Pilipinas. May mga nasawi. Nasirang mga ari-arian. Isang replay mula sa pelikulang pinagbidahan noon ng Bagyong Ondoy.  Marami ang lubos na nanghinayang at nagdalamhati. Umuulit lang ang mga tagpo. Isang problema ang kailangang tumapik sa ating mga natutulog na diwa upang mag-isip – mag-isip ng tama at ng para sa kapwa.

Buhay na naman ang bayanihan. Ads to collect money and goods to provide for those who were affected by the flood swarmed the idiot box. Maraming nag-abot ng tulong. Marami na naman supot ng relief goods; supot ng panandaliang kaginhawaan na mananatili ng libong taon upang muling bumara sa mga kanal at estero. Nagsulputang parang mga kabute ang mga evacuation center; halo-halo at parang mga sardinas ang tao. 

Sa kabilang banda, nakabibilib na may mga taong itinataya ang sariling kaligtasan upang rumesponde sa mga taong mas nangangailangan ng tulong. Nakakainis lang na ang mga taong nangangailangan ng tulong ay ‘yun ding mga taong tumangging lumikas noong mga panahong inabisuhn sila. Kesyo baka manakawan daw sila. Sa akin naman, mas importanteng iligtas ang buhay kaysa ang mga gamit na hindi mo naman na mapakikinabang kapag nabingwit na ang bangkay mo sa baha.

Pabalik-balik lang ang mga ganitong eksena. Hindi naman dating ganito ang pagbaha. Isang tanong ay hindi ang kung ano ang magagwa natin sa mga ganitong sakuna kundi kung ANO ANG DAPAT NATING GINAWA BAGO PA ANG SAKUNA?

Parang isang sirkulo, sa tuwing may mga baha at pagbagyo ay umuulit lang ang pag-evacuate, pagrescue at pagrehabilitate. Mga band-aid solution. Subalit ang mga bagay na pilit tinatapalan ay ang mga resulta ng mga maling desisyon ng ating nakaraan. 

Masyado nang maraming tao sa Maynila. Ang malaking populasyon ay nangangailangan ng espasyo para sa mga bahay. Idagdag mo pa na dahil isa itong sentro ng komersiyo, maraming mga gusaling industrial ang itinayo at itinatayo pa taon-taon. Pilit pinagsisiksikan ang lahat ng ito sa isang maliit na lugar. Wala ring urban planning. Isama pa ang pag-abuso natin at pagwawalang bahala. Hndi na kataka-taka ang mga nangyayari. Ang lobo kapag sobra ang hangin pumuputok.

May nakaisip na magrelocate sa mga karatig bayan. Kailangan lang ng transportasyon na kukonekta sa Maynila at sa mga ito. Ang siste, walang pondo. Kaya panigurado akong magtitiyaga si Juan sa panonood ng peikula ng mga bagyo, hindi man pinirata, gasgas sa kauulit.

At sa muling pagguhit ng mga patak ng ulan sa kalangitan ay ang siya ring pagdami ng mga kamay na muling nakalahad, naghihitay sa mga supot ng relief goods habang ang mga bahay at ari-aria'y nilulunod ng baha. Isang sirkulo. Replay-replay lang.

Monday, July 23, 2012

POSITIBOngga

You may have felt it, somehow an familiar feeling but chose to opt for the other. Maraming pagkakataong kinukulang tayo nito. Sa tuwing nagpapatintero ang mga bubwit sa dibdib. Sa tuwing tenga’y makasasagap ng balita. Sa tuwing may mungkahing solusyon. Hindi maaaring lumagay sa gitna. Sa huli, pipiliin ang mapusyaw, mapakla’t salat sa pag-asa.

Ito ka, humahangos at dilat ang mga mata. Kabababa mula sa dyipni. Pinagpapwisan ang magkabilang kilikili. Di maayos ang pag-iisip. Hindi lingid sa lahat ang sinapit na madukutan sa gabing ito. Mahuhuli ka na sa trabaho. Ano ang gagawin mo?

Karamihan ay tiyak na magmumukmok at maglulunoy sa pag-iisip sa mga pangyayari. Sa tuwing may mangyayari’y sa negatibong implikasyon o naidulot ng mga bagay-bagay tayo kadalasan ay kumikiling. Iisipin tiyak ang pamasahe pauwi, na nawala ang pinaglaanan ng pawis o labis pa’y kung sino ang dumukot at ang pagsumpa dito. Hindi namamalayang ang mga oras na inilalagi sa pag-iisip ng mga bagay na hindi na maibabalik ay siya naman oras na nababwas as sanay mga inutong mababayaran pa sa pagpasok.

Madalas ko ring napapansin sa tuwing nasa daan, ang mga tsuper na walang habas sa pagbusina sa tuwing tumitigil ang kanilang takbo, kesehodang dahil sa stop light or mabigat lang talaga ang trapiko. Iiling-iling na lamang ako. Aksaya sa baterya. Sila rin ang mauubusan ng enerhiya. Dagdag pa sa noise pollution. Ang kikitid ng utak. Kahit naman gaano kalaking value ng decibels ang ilalaman ng busina nila ay di naman sila makakausad. Hindi naman mahahawi ang mga sasakyan sa harapan para lamang padaaanin sila ano. Sabaw lang?

Kawalan ng positibong disposisyon, ito ang karaniwang problem sa mga namomroblemang tao. Imbes na isipin ang solusyon ay uunahin pa ang pagtuturo at paghahanap ng pangalang  maisisigaw. Madalas na napapako tayo sa kasalukuyang kalagayan at kung minsa’y binubulok natin ang ating mga sarili sa lungkot, galit, at depresyon.

Nito lang nakaraan sa SONA ng Pangulo ay malamang na mas marami ang nagtaas ng kilay sa halip na pumalakpak. Maaaring sabihin na listahan lamang ng hangin ng pamahalaan ang mahabang talumpating ‘yon. Isang klasikong halimbawa ang mga taong sinisisi ang gobyerno sa kanilang paghihirap subalit wala namang gingawa upang bigyang lunas ang sariling mga karamdaman. Sabi nga, datapwat hindi mo kasalanang ipinanganak kang mahirap ay kasalanan mo  na kung mamamatay kang isa paring dukha.

Sa kanilang paningin, hindi naman nila nararamdaman ang mga nakatala sa ulat ng Pangulo. Ang iba nama’y sasabat ng, “Yun lang?” Kung tutuusi’y dapat na ipinagpapasalamat natin na bagamat sadlak na ang Pilipinas sa kahirapan, bilang isang third world country, ay umuusad din naman.

Ako ma’y aminadong sa mga pagkakataong ako’y nahaharap sa mga mapanuksong pagsubok ay nababaling ang aking atensiyon sa mga negatibong aspeto ng bawat sitwasyon. Minsan hinananap ang mali. Pinapansin ang kulang. Mas niyayakap ang pagkabigo. Isa kasi ang pagiging insatiable sa natural na katangian nating mga tao. Pilit nating hinahanap ang perpeko sa mundong hindi perpekto.

Ano ba naman ang isipin ang positibong mga bagay. Ang solusyon.  Kung ano ang meron. Ang nagawang tama sa halip na ipagduldulan ang mali. Ang pagbangon sa halip na pagyukod. Tiyak gagaan ang lahat at ang daigdig mo’y magiging POSITIBOngga.

Mangyaring hayaang iwan ko mula sa pelikulang “Meet the Robinsons” ang mga salitang ito:


“Around here, however, we don’t look backwards for very long. 
We keep moving forward, opening up new doors and doing new things,
because we’re curious... and curiosity keeps leading us down new things.”

Paulit-ulit na wika ni Cornelius Robinson: ALWAYS KEEP MOVING FORWARD!

Saturday, June 30, 2012

Buy at Your Own Risk

Napakalaki na ng epekto ng komersyalismo kalakip ng marketing/advertising sa buhay ng tao. Hindi ko mawari kung bakit nabubuhay tayo (kasama ako) base sa standards na itinakda ng iilang tao. Kakatwang isipin na parang mga zombie ang mga consumer sa kakabili at pagsunod sa mga trends habang nagpapakabundat naman ang mga bulsa ng mga taong nasa likod ng mga produktong ito.

Sa isang banda maihahambing ang pag-aadvertise sa hipnotismo sa paraang pilit na hinihikayat ang mga taong bilhin ang mga produkto na umaabot na sa puntong iisipin mong necessity ang mga ito. Maraming paraan kung paano masisilo ang mga consumer sa pagbili ng produkto o paggamit ng mga serbisyo. Narito ang ilan sa mga madalas kong mapansin.

Demonstration: “Epektib ‘to. Ayan oh, kita mo?”
Kadalasan itong isinasagawa sa shopping centers, supermarkets at matataong lugar. Isang klasikong halimbawa ay ang mga promodizers na nakamikropono at nagtatawag ng mga manonood upang ipakita ang mga kayang gawin at superpowers ng mga produkto nila. Parang ‘yung plantsang may built in spray, knife set, pang-is-is ng kaldero, de-bateryang brush, gold na di namumuti ‘pag binabad sa kalamansi, scratch-proof monitor at kung anu-ano pa. Isa pang example ay ang before and after na eksena sa mga patalastas. Dahil kita mo agad ang malamang na resulta base sa mga nakikita mo at napabilib ka ng demo malamang na idadagdag mo na ang mga produktong ito sa shopping list mo.

Bandwagon: “Ikaw na lang ang wala pa nito, cool ‘to dude!!”
Are you in or out? Style ito ng mga manufacturer kung saan pinagdidikdikang ‘cool’ ang gumamit ng produkto o serbisyo nila. Tipong “I’m not born yesterday!” ang mensahe. At dahil nagiging trend at ayaw mong mapag-iwanan sa uso, gagawa ka ng paraan makabili o makagamit lamang ng mga ito. Kapag wala ka kasi ng mga ito, ikaw na ang baduy at pinaka-uncool na to sa mundo.

Statistics: “Did you know that 9 out of 10 blah blah blah...”
Ito ‘yung mga produktong parang mahirap nang tanggihan. Backed with studies at facts kasi ang pagpepresent ng mga ito. Kunware, ang hydroquinone ay isang melanin limiting chemical. Ang melanin ang dahilan kung bakit maitim ang kuyukot, este, ang balat in general. So dahil may study at nakita mong present sa sinabing “skin whitening cream”  bili ka agad nito. Hind mo lang alam ‘di ka naman pinapaputi nito dahil nililimit lang naman ang melanin production. Pero minsan gamit ang iba pang kemikal puputi ka naman talaga pero lifetime na ang paggamit mo ng ganitong product or you’ll go ricocheting sa pagiging negra. Isa pa ‘yung statistics na 9 out of 10 households are using this product chenilyn. Confident ka sa figures at mas papaboran mo dahil nga karamihan ay preferred itong gamitin. Ang nakakabobo lang lahat ng magkakakompitensyang produkto iisa ang sinasabi. Parang nagkopyahan lang sa exam.

Promotions: “We have an offer that will certainly benefit you and save you money.”
Sales, discounts, loyalty offers, buy back guarantee at kung anu-ano pang mga pakulo. Isa ito sa mga malalakas sa bentahe ng kumpanya. Isa sa pinakapopular na halimbawa nito ang mga “buy one, take one offers”. Dahil mas mura nga naman sa karaniwang presyo at dalawang item ang iuuwi mo, you will certainly be compelled to buy kahit di mo kailangan. Impulsive buyers ang karaniwan nitong target. Pero kung susumahin eh pasok naman sa presyo ang producton cost ng dalawang item at may tutubuhin pa rin ang mga manufacturers. Akala mo lang naka-save ka ang totoo overpriced ‘yung regular nitong presyo. Another example ‘yung pabibilhin ka ng produkto nila na 'pag umabot ka sa cap, ang peg, may’ron kang gift certificate. Iisipin mong makakamura ka pero ‘yung gift cert eh valid lang naman gamitin sa mga produkto rin nila. Ang labo, ending, sila rin ang talagang nakinabang sa purchase mo. T_T

Star Power: “I am a star, ‘pag bumili ka, you are also a star.”
Alam mo na. Artistang gwapo at maganda. Dahil idolo mo gusto mo lahat ng gamit niya meron ka. Bili ka lang ng bili dahil tingin mo gagnada/popogi ka ‘rin. Minsan kapag ’di ka bumili ikaw na ang pangit. Asar lang minsan na sa halip na hygienic factor ang prinopromote eh ‘yung added beauty ang ginagawang platform sa mga produkto.

Heartstrings: “If you buy, you help support a charity...”
Eto yung mga strategy na sumusundot sa emosyon ng mga consumer. Emotional attachment is a very compelling tool. Halimbawa na ang mga commercials na may mga bata na madaling ikinatutuwa ng mga mamimili. Sino ba naman ang makakatanggi sa mga cute na batang nagpro-promote ng product. Isa pang madaling makahikayat ay yung mga motion editorials na ang pa-epek ay alleviating lives, connecting friends and love ones kung san makikita mong habang ginagamit nila ang serbisyo ay nakangiti ang mga commercial models na parang perfect life drama. Ang pinaka-ayaw ko ay ‘yung mga charity campaigns daw na sa bawat purchase ay may porsiyentong mapupunta pantulong sa mga ito. Guilt trip ampota. Parang ang sama mo na ‘pag ‘di ka bumili dahil wala kang kunsensiya dahil sa hindi mo naisip ang tumulong.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga istratehiyang ginagamit para maging mas saleable pa ang isang produkto o serbisyo. Minsan kumbinasyon ang mga ito na mas nakakahikayat ng buyers at loyalist.

It is very ironic. Nakakatawa na ang mga bagay na ‘di ko pinaniniwalaan dati bilang consumer ay hayagan ko nang isinasabuhay bilang isang sales agent. Minsan nadadaan na lang sa positive scripting para lang mapilit si customer na “kailangan” niya ang produkto at discreetly implying na hindi siya p’wedeng tumanggi. Matutuwa ka bilang ahente na may mga taong napakadaling kumagat sa mga sales offer at promotions. Although minsan ‘di ako pabor sa mga misleading ads, pero dahil parte ng trabaho I just make it a point na mamamaximize ni customer ang mga produktong bibilhin sakaling kagatin ang offer.

Para sa mga consumer, mainam na tignang mabuti ang mga produkto. Huwag basta basta bibili. Kung maari magbasa ng mga reviews lalo kung long-term investment ang ipu-purchase though, sometimes, isa ring strategy ng mga kumpanya ang mga reviews. Bale, buy at your own risk and be wise sa mga desisyon na lang. Sige na, add to cart and check out please!

Tuesday, June 19, 2012

Customer Service at Kung Anik-anik na KaMEMAhan

Wala. Blangko. Unproductive.

Ganyan ang utak ko nitong mga nakaraang araw. Ito rin marahil ang dahilan ng hiatus sa blog ko.  Ito ulit ako namamasyal sa isang bagong environment na nangangakong friendly ang future, bagong trabaho, bagong simula. Kakambal ko na ata ang stress. Naigradweyt ko naman ang kurso ko at naipasa ang licensure exam para maging isang lehitimong guro pero bakit ba ako nagtitiyaga sa BPO kung saan expected ang  harapang pagsagupa sa sandamukal na stress?

Speaking of stress. Wala nang makakapantay sa pressure na dulot ng pag-upo ng walong oras habang nakikipagkwentuhan sa mga taong mula sa kabilang dako ng daigdig na walang ibang gusto kundi ang gusto nila. Hirap ispelengin ng mga services at products sa Amerika. Binebeybi ang mga customer pero napaka-stiff naman sa mga policies. Kawawa ang mga agent. Napaka-ironic lang na they are so poised for customer satisfaction pero ang mga polisiya nila e hindi flexible na ang ending irate customers. Minsan nakakabobo lang. Uurong ang bayag mo sa kaka-please sa kanila habang ang isa mo pang katauhan ay tahimik na nagmumura. Sa bandang huli, dissatisfied pa rin at mapapa-usal ka na lang ng panalangin mo na sana hindi nila sagutan yung survey.

Dahil sa exposure ko sa ganitong culture ng customer service, marami na akong napupuna na noo’y pinalalampas ko lang. Dati sa tuwing may hindi maganda sa serbisyo o pakikitungo ng mga public servants o maging ng mga crew ng fastfood magtataas lang ako ng kilay sa isip ko. Ngayon dahil sa big deal sa trabahong kinamulatan ko ang customer satisfaction, I demand the same thing. 


Naalala ko ‘yung encounter ko dati ‘yung crew ng fastfood na may tagline na “finger lickin’ good.” Masaya ako noong araw na ‘yun pero dahil sa imbyernang gelay, nasira ang araw ko. Pagka-order ko ng flavor shots meal na may sweet-chili sauce, inabot ko sa ale ang  limandaang piso. Nagtanong siya kung may smaller bill ako with a tinge of pagkainis. Sasampalin ko na dapat pero naisip ko baka  ‘di lang nacalibrate ang tenga ko. 

“Pasensiya na, ‘yan lang kasi ang dala ko,” malumanay kong sagot. Bigla ba namang nagdabog habang binibilang ang baryang isusukli sa akin. Gusto ko na sanang hablutin at ipangsakal sa kanya ang pagkahaba-haba niyang buhok. Pero dahil mabait ako, hinayaan ko na lang. Ang kaso hindi doon natapos ang pagkainis ko. Iba ‘yung order na binigay niya. Nagtitimpi pa ako. At first there was silence and then I said, “Miss sa susunod makinig ka kasi, ok na ‘to. Libre naman ang presence of mind eh,” sabay kembot papalayo.

Madalas na napakasusungit ng mga nasa ganitong industriya kung saan higit na kailangan ang pasensya. Wrong profiling kung baga. Inis na inis ako sa mga guwardiyang sobrang hangin na tipong sila ang may ari ng mga establishments na pinapasukan nila. Kaya minsan ang iba pinipili na lang magtatanga-tangahan sa halip na magtanong sa mga jaguar (dya-gwar). Parang mga bakang nireregla lang kasi ang mga ito minsan. Madalas ang mood swings. Kaya ang mga policies e naiimplementa lang sa mga taong di nila trip. 

Isa pa sa napupuna ko ay ang negligence sa kahalagahaan ng oras. Dahil kadalasan gabi ang pasok ko, ang natitira sa araw ay nailalaan na lamang sa pagpapahinga. Kaya naman kahit limang minuto lang ang nasasayang talagang uusok na ang tenga ko sa pagkabwisit. Isa sa mga nakakainis yung mga fastfood na kahit pila-pila na ang customer ay dalawang counter lang ang bukas. Sayang ang oras sa pagpila. 

Ang serbisyo kasi sa atin, parang weather. Hirap hulaan. Inconsistent. Depende kung may dalaw. E kung inconsistent din ang pagbabayad ng mga consumer sasabihan pa bang, “How may I help you?”

Marahil ay hindi ko dapat na ikumpara ang customer service sa Amerika at sa Pilipinas dahil sa magkaiba naman ang kultura natin sa kanila. Pero kung susumahin, hindi naman dapat na magkaiba ang pagpapakahulugan natin dito. Customer service is customer service malaki o maliit man ang bayag ng taong pagsisilbihan mo. Hindi na dapat na hingiin kundi kusang dapat na ibinibigay.

Parang freebies. Dapat libre kahit mukha lang.

Friday, June 8, 2012

Doomsday at ang mga Good Sa[mari]tans

“MAGSISI KAYO AT MAILILIGTAS MULA SA GALIT NG SANLIBUTAN. 
MALAPIT NA ANG KATAPUSAN!”

Malimit mo itong makikitang nakasulat sa karatulang nakasabit sa leeg ng matandang gusgusin. I-visualize mo, isang tipikal na ermitanyo mula sa mga kwentong nagpasalin-salin na ang nagpuputak, madalas sa harap ng mga simbahan, tungkol sa huling pag-ikot ng mundo. Sigurado akong minsan, kahit isa man sa mga pelikulang napanood mo, ay may eksenang ganito. Ewan ko ba, pero magugunaw na nga ba ang mundo?

REWIND. Ilang beses ko nang narinig ‘tong statement na ito. Marami na ring predictions, conspiracy theories at debate ang tila ba mga kulugong umu-usbong ng paulit-ulit mula sa paksang ‘yan. Kesyo sabi ni Nostradamus o nahulaan ng mga Mayan na matatapos na ang pagtutrumpo ng Bathala gamit ang Earth. Asan na ba ‘yung galactic alignment na maghuhudyat ng Armageddon. Susmaryahosep, 2012 na pero  wala pa namang nangyayari at patuloy pa rin naman ang mga kapatid nina Lacoste at Crocs sa panganagasab ‘dun sa itaas.

Maiba nga tayo. Hindi naman ‘yan ang gusto kong paghuntahan natin. Bet ko lang pag-usapan ang somewhat “guilt trip”  na dulot ng ideyang ito. Ano ba ang pagkakaparehas ng eleksiyon, pagbabayad ng buwis at ng end of the world? Ano pa e di ang walang kakupas-kupas na paghahabol sa oras maka-abot lang sa deadline. Cramming! 

Maraming taong sa tuwing maririnig ang so-called end of the world ang tila ba may mga switch sa katawan na bigla na lang naka-program as good Samaritans. Dahil din sa hype sa near extinction ng mundo maraming napaparanoid. Kung anu-ano na nga ring mga public service programs at shows sa telebisyon ang naglalabasan.

Nakakatawa lang na may iba na talagang garapalan na sa pagsasalba ng kaluluwa. Tipong sila na ang may ari ng mga charities at natural na mga pangalan nila ang dapat nakabalandra sa mga streamers; give-away mugs, pins at mga pamaypay; at syempre ang mga billboards na nagkalat sa kung saan. Ang ilan naman nangungolekta ng mga testimonials sa mga taong natulungan nila at ginagawa pang commercials. The more the merrier at mas maraming nakakaalam the more chances of winning. Para silang mga kung sinong attorney na nangangalap ng ebidensya para ipagtanggol ang kanilang mga sarili kung dumating na ang paghuhukom. E ang mga switik, kung tutuusin barya lang naman ang iniaabot ginagawa pang big deal.


Naniniwala kasi akong kung ano ang ginawa ng kanan mong kamay e hindi na kailangan pang malaman ng kaliwa. ‘Yung iba kasi nakatutulong lang kapag may ibang nakatingin. Natural na dapat na impulse ang tumulong sa mas mahihina, sa nangangailangan at sa ‘di nakaluluwag. Well ayoko namang maging preachy at baka isara mo na ito.

Dahil kahit sino maaring tumulong. Wala namang binabagayan ang paggawa ng kabutihan. Lahat tayo maaring tumulong- malaki man o maliit na tulong. May nakamasid man o wla. Maiwan ko lang ang sinabi ng tatay ni Rogelio sa Kapitan Sino ni pareng BO:

Tungkuling mong tumulong sa kapwa dahil may kakayanan ka at gusto mong tumulong.  
Tingin ko sapat na ‘yon para ‘di masunog ang kaluluwa mo sa kawa ng mantika at maging isa kang spicy chicharon. 

Kanina nga pala pauwi habang nakasakay ng FX, may bata kaming kasabay na halatang nalilito. Parang pusang nawawala at ‘di mahanap ang daan. Habang binagbagtas ang kahabaan ng España bago ako makababa, naglakas loob siyang magtanong. “Lampas na ba ng Dangwa?” Bobo ako sa direksyon pero sapat na ang mala-manok kong utak para malaman na mali ang nasakyan niya. Well, pagkababa eh naglakas loob na rin akong tulungan siya. Bibili ng flower para sa jowa. May one point na ako. Testimonial puh-lease! 

At dahil nai-share ko ito ganap na nga akong isang good Samaritan. Biglang umalingawngaw sa background, “Papa don’t preach... (to fade)...”