“MAGSISI KAYO AT MAILILIGTAS MULA SA GALIT
NG SANLIBUTAN.
MALAPIT NA ANG KATAPUSAN!”
Malimit mo itong makikitang nakasulat
sa karatulang nakasabit sa leeg ng matandang gusgusin. I-visualize mo, isang tipikal
na ermitanyo mula sa mga kwentong nagpasalin-salin na ang nagpuputak, madalas
sa harap ng mga simbahan, tungkol sa huling pag-ikot ng mundo. Sigurado akong
minsan, kahit isa man sa mga pelikulang napanood mo, ay may eksenang ganito. Ewan
ko ba, pero magugunaw na nga ba ang mundo?
REWIND. Ilang beses ko nang narinig ‘tong
statement na ito. Marami na ring predictions, conspiracy theories at debate ang
tila ba mga kulugong umu-usbong ng paulit-ulit mula sa paksang ‘yan. Kesyo sabi
ni Nostradamus o nahulaan ng mga Mayan na matatapos na ang pagtutrumpo ng
Bathala gamit ang Earth. Asan na ba ‘yung galactic alignment na maghuhudyat ng Armageddon.
Susmaryahosep, 2012 na pero wala pa
namang nangyayari at patuloy pa rin naman ang mga kapatid nina Lacoste at Crocs
sa panganagasab ‘dun sa itaas.
Maiba nga tayo. Hindi naman ‘yan ang
gusto kong paghuntahan natin. Bet ko lang pag-usapan ang somewhat “guilt trip” na dulot ng ideyang ito. Ano ba ang
pagkakaparehas ng eleksiyon, pagbabayad ng buwis at ng end of the world? Ano pa
e di ang walang kakupas-kupas na paghahabol sa oras maka-abot lang sa deadline.
Cramming!
Maraming taong sa tuwing maririnig ang
so-called end of the world ang tila ba may mga switch sa katawan na bigla na
lang naka-program as good Samaritans. Dahil din sa hype sa near extinction ng
mundo maraming napaparanoid. Kung anu-ano na nga ring mga public service
programs at shows sa telebisyon ang naglalabasan.
Nakakatawa lang na may iba na talagang
garapalan na sa pagsasalba ng kaluluwa. Tipong sila na ang may ari ng mga
charities at natural na mga pangalan nila ang dapat nakabalandra sa mga
streamers; give-away mugs, pins at mga pamaypay; at syempre ang mga billboards
na nagkalat sa kung saan. Ang ilan naman nangungolekta ng mga testimonials sa
mga taong natulungan nila at ginagawa pang commercials. The more the merrier at
mas maraming nakakaalam the more chances of winning. Para silang mga kung
sinong attorney na nangangalap ng ebidensya para ipagtanggol ang kanilang mga
sarili kung dumating na ang paghuhukom. E ang mga switik, kung tutuusin barya
lang naman ang iniaabot ginagawa pang big deal.
Naniniwala kasi akong kung ano ang
ginawa ng kanan mong kamay e hindi na kailangan pang malaman ng kaliwa. ‘Yung
iba kasi nakatutulong lang kapag may ibang nakatingin. Natural na dapat na
impulse ang tumulong sa mas mahihina, sa nangangailangan at sa ‘di nakaluluwag.
Well ayoko namang maging preachy at baka isara mo na ito.
Dahil kahit sino maaring tumulong. Wala namang binabagayan ang paggawa ng kabutihan. Lahat tayo maaring tumulong- malaki man o maliit na tulong. May nakamasid man o wla. Maiwan ko lang ang sinabi ng tatay ni Rogelio sa Kapitan Sino ni pareng BO:
Dahil kahit sino maaring tumulong. Wala namang binabagayan ang paggawa ng kabutihan. Lahat tayo maaring tumulong- malaki man o maliit na tulong. May nakamasid man o wla. Maiwan ko lang ang sinabi ng tatay ni Rogelio sa Kapitan Sino ni pareng BO:
“Tungkuling mong tumulong sa kapwa dahil may kakayanan ka at gusto mong tumulong.”
Tingin ko sapat na ‘yon para ‘di
masunog ang kaluluwa mo sa kawa ng mantika at maging isa kang spicy chicharon.
Kanina nga pala pauwi habang nakasakay ng FX, may bata kaming kasabay na
halatang nalilito. Parang pusang nawawala at ‘di mahanap ang daan. Habang
binagbagtas ang kahabaan ng España bago ako makababa, naglakas loob siyang
magtanong. “Lampas na ba ng Dangwa?” Bobo ako sa direksyon pero sapat na ang
mala-manok kong utak para malaman na mali ang nasakyan niya. Well, pagkababa eh
naglakas loob na rin akong tulungan siya. Bibili ng flower para sa jowa. May
one point na ako. Testimonial puh-lease!
At dahil nai-share ko ito ganap na nga akong isang good Samaritan.
Biglang umalingawngaw sa background, “Papa don’t preach... (to fade)...”
At dahil nai-share ko ito ganap na nga akong isang good Sa
No comments:
Post a Comment