Wala.
Blangko. Unproductive.
Ganyan
ang utak ko nitong mga nakaraang araw. Ito rin marahil ang dahilan ng hiatus sa
blog ko. Ito ulit ako namamasyal sa
isang bagong environment na nangangakong friendly ang future, bagong trabaho,
bagong simula. Kakambal ko na ata ang stress. Naigradweyt ko naman ang kurso ko
at naipasa ang licensure exam para maging isang lehitimong guro pero bakit ba
ako nagtitiyaga sa BPO kung saan expected ang harapang pagsagupa sa sandamukal na stress?
Speaking
of stress. Wala nang makakapantay sa pressure na dulot ng pag-upo ng walong
oras habang nakikipagkwentuhan sa mga taong mula sa kabilang dako ng daigdig na
walang ibang gusto kundi ang gusto nila. Hirap ispelengin ng mga services at
products sa Amerika. Binebeybi ang mga customer pero napaka-stiff naman sa mga
policies. Kawawa ang mga agent. Napaka-ironic lang na they are so poised for
customer satisfaction pero ang mga polisiya nila e hindi flexible na ang ending
irate customers. Minsan nakakabobo lang. Uurong ang bayag mo sa kaka-please sa
kanila habang ang isa mo pang katauhan ay tahimik na nagmumura. Sa bandang
huli, dissatisfied pa rin at mapapa-usal ka na lang ng panalangin mo na sana
hindi nila sagutan yung survey.
Dahil
sa exposure ko sa ganitong culture ng customer service, marami na akong
napupuna na noo’y pinalalampas ko lang. Dati sa tuwing may hindi maganda sa
serbisyo o pakikitungo ng mga public servants o maging ng mga crew ng fastfood
magtataas lang ako ng kilay sa isip ko. Ngayon dahil sa big deal sa trabahong
kinamulatan ko ang customer satisfaction, I demand the same thing.
Naalala ko ‘yung encounter ko dati ‘yung crew ng fastfood na may tagline na “finger lickin’ good.” Masaya ako noong araw na ‘yun pero dahil sa imbyernang gelay, nasira ang araw ko. Pagka-order ko ng flavor shots meal na may sweet-chili sauce, inabot ko sa ale ang limandaang piso. Nagtanong siya kung may smaller bill ako with a tinge of pagkainis. Sasampalin ko na dapat pero naisip ko baka ‘di lang nacalibrate ang tenga ko.
“Pasensiya
na, ‘yan lang kasi ang dala ko,” malumanay kong sagot. Bigla ba namang nagdabog
habang binibilang ang baryang isusukli sa akin. Gusto ko na sanang hablutin at
ipangsakal sa kanya ang pagkahaba-haba niyang buhok. Pero dahil mabait ako,
hinayaan ko na lang. Ang kaso hindi doon natapos ang pagkainis ko. Iba ‘yung
order na binigay niya. Nagtitimpi pa ako. At first there was silence and then I
said, “Miss sa susunod makinig ka kasi, ok na ‘to. Libre naman ang presence of
mind eh,” sabay kembot papalayo.
Madalas
na napakasusungit ng mga nasa ganitong industriya kung saan higit na kailangan
ang pasensya. Wrong profiling kung baga. Inis na inis ako sa mga guwardiyang
sobrang hangin na tipong sila ang may ari ng mga establishments na pinapasukan nila. Kaya minsan
ang iba pinipili na lang magtatanga-tangahan sa halip na magtanong sa mga jaguar
(dya-gwar). Parang mga bakang nireregla lang kasi ang mga ito minsan. Madalas
ang mood swings. Kaya ang mga policies e naiimplementa lang sa mga taong di
nila trip.
Isa
pa sa napupuna ko ay ang negligence sa kahalagahaan ng oras. Dahil kadalasan gabi
ang pasok ko, ang natitira sa araw ay nailalaan na lamang sa pagpapahinga. Kaya
naman kahit limang minuto lang ang nasasayang talagang uusok na ang tenga ko sa
pagkabwisit. Isa sa mga nakakainis yung mga fastfood na kahit pila-pila na ang
customer ay dalawang counter lang ang bukas. Sayang ang oras sa pagpila.
Ang
serbisyo kasi sa atin, parang weather. Hirap hulaan. Inconsistent. Depende kung
may dalaw. E kung inconsistent din ang pagbabayad ng mga consumer sasabihan pa
bang, “How may I help you?”
Marahil
ay hindi ko dapat na ikumpara ang customer service sa Amerika at sa Pilipinas
dahil sa magkaiba naman ang kultura natin sa kanila. Pero kung susumahin, hindi
naman dapat na magkaiba ang pagpapakahulugan natin dito. Customer service is
customer service malaki o maliit man ang bayag ng taong pagsisilbihan mo. Hindi
na dapat na hingiin kundi kusang dapat na ibinibigay.
Parang
freebies. Dapat libre kahit mukha lang.
No comments:
Post a Comment