"San ka? Aalis
na ko!" text ni Maira. Lalong umaatikabo ang pagtagaktak ng pawis ni
Chito. Basang-basa na ang kanyang damit. Nasanay na kasi ang katawan niya sa
libreng aircon mula sa pinapasukang BPO company. Madali siyang nagta-type ng
ire-reply nang pumasok ang tawag ng TL niya.Potek! Inis niyang pinindot ang
cancel button at tinapos ang pagtype.Iipinadala ang mensahe.
Siksikan sa loob ng
dyip. Palingon-lingon siya habang iniingatan ang isang pumpon ng gerberas na
dinaanan pa niya sa Dangwa. Wala sa plano. Kapos sa budget. Hindi pa
nagpa-tawad ang tindera. Nakadagdag pa sa pagkabwisit ni Chito ang
maalinsangang panahon. Kasalukuyang binagbagtas ng sinakyan niyang dyip ang
kahabaan ng Espanya kung saan napakaraming stoplight na maaaring umantala sa
biyahe. Lumiliit ang tyansa niyang
maisalba ang relasyong iningatan niya ng halos isang taon. Ngayon sana ang
anniversary nila ng babaeng pinakamamahal niya.
Aligaga niyang
hinagilap ang cellphone nang biglang umalingawngaw ang kanyang message alert tone.
Umaasa siyang text 'yun ni Maura na nagsasabing okay lang ang lahat, na siya'y
hinihintay na nito sa kanilang binuong tahanan. “Why did you leave? I didn't
permit you. You should've attended our team meeting. We'll talk when you report
back to work.” text ni Lisa. Halatang-halata ang masidhing pagkadismaya sa
kanyang mukha matapos basahin ang mensahe mula sa kanyang TL. Inis na inis si
Chito.
Tumodo ang init ng
kanyang ulo. Gusto niyang sapakin ang kanyang boss sa mga sandaling 'yon, hindi
dahil sa reprimand o sa laman ng text, kundi siya ang dahilan kung bakit sila
nag-away ni Maura. She's not sole to blame though. Natural na kasi sa team nila
Chito ang tawagang “beh” na siyang pinagselosan naman ng kanyang girlfriend
matapos nitong mabasa ang chat hsitory sa FB account niya. Sinubukan niyang
mag-eksplika bago pumasok ng araw na iyon but to no avail. Tigas sa pagtatampo
si Maura.
Isang kanto na lang
bago ang tinutuluyan nilang dorm nang maging pula ang stoplight. Hindi yata
sumasang-ayon ang pagkakataon. Mabilis siyang bumaba ng dyip na parang kotseng
beating the red light. Humahangos siya nang marating ang kanilang kwarto.
Katahimikan ang
bumungad sa kanya. Wala na si Maura. Dala ang lahat ng gamit. Walang katiyakan
kung babalik pa.
Halos magkatas ang
mga bulaklak sa pagkakapisil niya. Nanatili siyang nakatulos sa kinatatayuan
habang minamasdan ang tila natatanging bagay na kasama niya sa silid na 'yon –
ang bukas na laptop kung saan pauli-ulit na naka-play ang masasaya nilang
larawan sa kanyang screen saver.
Nanginig si Chito
nang lapitan niya ito. Nakalog-in pa pala ang FB account ni Maura. Nag-uunahan
sa pagpatak ang kanyang mga luha nang mabasa ang chat feed, kasabay ng
pagkatuyot ng mga pangarap.
Joey: Asan ka na
beh?
Maura: Papunta po
ako beh. Meet you there. :)
Muling tumunog ang
kanyang phone. One new message. Si TL Lisa.
“Walang trabahong
madali. It's mind over matter guys. Thinkers are doers!”
Tama. Thinkers are
doers. Paulit-ulit ang mga katagang ito sa isip niya. Parang mga re-runs ng
palabas sa telebisyon.
4 comments:
kamusta? salamat sa iyong email! inadd kita sa blogroll ko.
Nakita ko na po pala! :) Mejo nalito lang sa main page... Genie ka nga.. hehe
Hi dexter. From Damuhan nakaratin ako dito. I blog so that i can I follow people like you who have the passion to write. Keep it up
Salamat Diamond R. Sana po ay na-enjoy ninyo. Gaya mo rin, kaya ako may blog. Self-ekspresyon at upang makakilala ng mga taong may pagpapahalaga sa pagsusulat. Tenkyu, tenkyu :)
Post a Comment