ang
mukhang nabahiran ng sigwa
at
pandayin ang panahon, nang sa kuta'y
maititigib
ang tuwa't ang giliw ay maipadama
Ipadama
mo...
ang
rurok na ninanais at pagkatpos
ay
iyong maipipinid ang pintong
kukupkop,
sa panambitang pilit iparirinig.
Iparinig
mo...
ang
tinig na sa akiy hahaplos at waring
walang
hanggang maibabayubay
ang
mga alaalang sa isip ay mapanlinlang.
Linlangin
mo...
ang
mga paru-paro't alitaptap sa nektar,
liwanag
ng buwan at ang araw sa takipsilim...
magsasayaw,
sa gitna ng maliwanag na dilim.
Note:
This is already edited and would not be the same as what was published in The
Golden Harvest. Enjoy!
No comments:
Post a Comment