Friday, December 14, 2012

Yawning Space

Sending yourself to your own doom  is the dullest thing your dim-witted neurons could ever muster. There is always a  frenetic sound; an erratic tune banging your heart. The presence of that incinerating sting never misses the right spot as if it was designed to stay forever.

Dear Hubs,

Hindi ko na mabilang ang mga araw. Tila ba libu-libong taon na akong naghihintay. Ako na libong taon nang nag-iisa. Nagpupumilit makisalo sa sayaw ng iba pang kaluluwang naghahanap ng kapayapaan ng isip, laman ng utak... ah oo! Laman! (Marami ang iismid na lamang.) Sa paglalakbay upang makasumpong ng kapanatagan ng puso ay kanugnog ang mga pangambang makahanap ng wala na siyang unti-unting umuupos sa pag-asang umaandap-andap.

Naglulunoy sa kumunoy ng walang hanggang pag-aatubili. Tama. Ganito ako noon bago mo ako mahanap. Alam ko medyo corny ang paggamit ng mabubulaklak na salita. Makailang ulit na rin kitang inalayan ng tula at mga kuwentong sumassalamin sa ‘di masukat kong damdamin para sa iyo subalit sabi mo nga’y ‘di mo maarok. May konting tampo sa tuwing hindi mo pinaglalaanan ng pansin ang mga gawa ko. Ganoon pa man, ginamitan man ng simbolismo at metapora’y batid kong ‘di mo na kailangan pang halukayin ang santambak na mga hinabing salitang inialay ko sa’yo upang matalos ang nais kong iparating.

Kung naaalala mo pa, mga salita ko rin ang dahilan upang matagumpay kong mai-uwi ang iyong puso. Witty. Ganyan mo nailarawan ang pamamaraan ko ng paglalahad ng saloobin at ang lagi kong nasasambit ay salamat sa papuri ngunit ikaw noon pa lamang ay bumubuhay na sa akin. Nagkasalubong tayo sa nahahating daan. Ito ang mga panahon kung saan akoy nalilito pa’t hinahabol ang multo ng aking nakaraan. Umagapay ka’t sa huli’y nahulog na ako sa iyo.

Tanda mo pa ba ang una nating pagkikita. Ilang beses mo na bang tinanong sa akin kung naisip ko bang hindi ka sisipot? Gaya ng lagi kong sinasabi’y wala akong pag-aalinlangan. Alam kong darating ka (sinabi ng guardian angel ko)!

Two years have passed. Who would ever say that an ephemeral turn of events would go on and on in my brain, like I always say, like LED from an underprivileged store blinking over and over again.

Marami akong bagay na nami-miss.

I miss when you tickle and tease me. Alam mo naman kung gaano kalakas ang kiliti ko. Sa tuwing pinipilit kong tumigil ka na ay mas lalo mo pang pinag-iigihan ang pagkiliti. Palibhasa malakas loob mo kasi wala kang kiliti.

Nangungulila ako sa mga ngiti mo, na alam kong para at dahil sa akin ang mga iyon dati. Miss ko na ang pa-cute mong mukha.

I miss going to the mall and buing our supplies. I have always adulated how you would meticulously arranged the items on the counter at check out. Masaya ako sa tuwing naturtuwa ka sa mga pets na too bad ‘di ko na naibigay sa’yo. I miss watching you play at Timezone, World of Fun, Quantum and all the so called arcades incuding sa peryahan.

Miss na miss ko na ang carbonara mo starring San Marino Chili Corned Tuna. Ang pakbet na maraming luya. Ang isang kalderong sopas na pinaghahatian natin lagi. Maging ang pininyahang manok na pinagtutulungan nating lutuin.

Anong tuwa ko sa tuwing makikita kong natutuwa ka sa mga alaga nating manok. Sa tuwing may nangingitlog o napipisang sisiw.

I miss the twinkle in your eyes whenever you brag about me. It makes me feel proud and loved.

I miss hugging and kissing you.

Above all, I MISS YOU HUBS; every fiber of your being.

I am here now with my cards laid, mulling over which have cost me my defeat. Space seems to be an exponentially reverberating solid void that could never be filled in.

How could it be so painful? Comparing it to my migraine attacks is the most illogical understatement anyone could ever imagine. The growing vastness is somewhat like two identical poles trying to meet – no matter how you push them towards each other the more frustrated you become.

Like a scene from my favorite movie, it plays again inebriating every fiber of my being until I lose consciousness so to escape a world that has gone apocalypse. An hour glass motion picture staled with a crack allowing the sand to spill out, thus, makes it impossible to yield time; a dead end, so it was.

But as promised I will be here waiting as songs play while this rain keeps on tickling my barren lot – for now.

Loving you always,

Dodong

Monday, December 3, 2012

HUBS World Annihilated

Muli pa bang makasasambit
itong piping nagpupumilit,
ngayong ang tinatangi'y tangay na
sa isang mundong banyaga...
alikabok ay pinananawan ng mahika,
mga bitui'y naninimdim at nagdurusa,
Kung ang lahat ay sawa na
sa digmaan ng nagsasalungat na diwa,
mag-uunahan galaw ng bawat isa
sa ritmong ubod ng pakla
at ang paru-parong aking kinalinga'y
nahubdan ng rikit at hiwaga.
mga tali'y nagsikalasan tungo sa pagkauhaw,
batobalani'y nagpupumiglas...
pinalalawig distansiya nitong mga puso.
Moog ba'y nirupok ng huwad at mga multo?
Sino nga ba AKO, ikaw nga ba ay SINO?
Lohika ba'y pasimuno
sa pagguho nitong ating mundo.

Saturday, December 1, 2012

A thousand years with YOU

I have died everyday waiting for you,
Darlin’ don’t be afraid I have loved you
For a thousand years..
I’ll love you for a thousand more...
- Christina Perri, A Thousand Years

“Let’s start with forever!” Recalling the words of Edward Cullen seems like undergoing a repetitive session of acupuncture though instead of needles, sharp swords spear through you. At least, for now.

Everyday seems to be a tirade, a play of words and a game with no victor nor a loser. We assumed roles. Roles without a definite boundary whether we are living a reality or a whim. I know that this would go on and on towards infinity. I am in a blurry position but what I am sure is that love will keep me alive no matter what.

I’ll keep on believing as you have first believed in me. I am loving you more every day. I fear not that I’d lose you but I fear that I would be kept in oblivion. I know your heart’s not totally mine but mine is YOURS forever.

But I will keep on waiting… I LOVE YOU HUBS!