itong
piping nagpupumilit,
ngayong
ang tinatangi'y tangay na
sa
isang mundong banyaga...
alikabok
ay pinananawan ng mahika,
mga
bitui'y naninimdim at nagdurusa,
Kung
ang lahat ay sawa na
sa
digmaan ng nagsasalungat na diwa,
mag-uunahan
galaw ng bawat isa
sa ritmong ubod ng pakla
at
ang paru-parong aking kinalinga'y
nahubdan
ng rikit at hiwaga.
mga
tali'y nagsikalasan tungo sa pagkauhaw,
batobalani'y
nagpupumiglas...
pinalalawig
distansiya nitong mga puso.
Moog
ba'y nirupok ng huwad at mga multo?
Sino
nga ba AKO, ikaw nga ba ay SINO?
Lohika
ba'y pasimuno
sa
pagguho nitong ating mundo.
No comments:
Post a Comment