Friday, February 17, 2012

(Ikaw) Aking KaMUNDOhan

Sabihan man ang puso’y imbot..
Makasarili’t ubod ng damot…
Ito’y dahil sa natatangi lamang laan
Bawat  pagkislot at pagtibok.
Sa iyo lamang ang diwa nakakikipaglingkisan,
Sa’n man pulo't gata'y umabot…
nating mga kawal ni Adan.
Gabi’y muling lalalim at ang lahat ay lilimot,
Hindi ako, dahil ako'y hinubdan...
Aking lakan ‘wag sanang hayaang ang batis
ng malapot na likido’y matigang.
Diligin mo ang pusong umaamot,
Nang bumulwak ang bukal,
Sisipsipin ng puso kong sa’yo lamang.

No comments: