Tuesday, February 21, 2012

AGENT: Thank you for calling! PS: Don't call again!


Round about. That is how I describe yesterday’s trip. Nakakabad trip. Muntik pa akong lagnatin.
Halos dalawang buwan na pala akong walang trabaho. Kung tutuusin, ginugol ko ang apat na taon para sa isang pirasong papel na ‘di ko pa napapakinabangan hanggang ngayon. Isa pa ‘yung hirap para maipasa ang licensure exam ay ‘di ko pa nahahawakan ang resulta. Anak ng pating naman oh!
Buhay pa rin naman ako kahit paano. Hindi ko nga alam o dini-deny na ng utak ko kung paano ako nakaka-survive ng walang trabaho. Literal na palamunin ako ngayon. Isa akong dakilang kasambahay, indirectly though. Masaklap pa, ang alam ng pamilya ko ay may bago na akong trabaho. Tsk, tsk, tsk. Napakahirap ng walang inaasahang pera. Nahihiya na nga ako sa partner ko dahil siya ang bumubuno ng mga gastusin. (Hayaan mo at ako ang bahala sa mga gawaing bahay,love you hehe)
Mabalik  tayo sa usapan. Sa wakas ay natuloy din kahapon ang balak na maghanap ng trabaho. Natural na mag-umpisa yun sa paghuhunting sa Internet. . Dati akala ko pag baguhan ka mahirap maghanap ng trabaho. Sa BPO industry naman, sa tingin ko mahirap ang may experience. Kung anu-ano ang hinahanap sa’yo at makikipagtawaran ka pa sa sasahurin mo. Marami pa sa akanila ay naghahanap ng mga without experience kasi mas makakatipid sila sa entry compensation ng mga ito. Pero eto lang ang alam kong makakasuporta sa amin ngayon.
Ayun nakahanap sa may Mandaluyong, tunog agency ang pangalan pero sinubukan ko na rin. Ang mahirap sa paghahanap ng trabaho ay kung baguhan ka sa lugar. Masama pa pareho kaming ignorante ng kasama ko sa direksyon na binigay ng ahente na nagconfirm ng attendance ko.
Tinanong ko ang mainam na daan kung manggagaling kami ng Sampaloc dahil nga sa apartment kami ‘dun nangungupahan. Sumagot ang agent, na hindi natin itatago dahil ang pangalan niya ay Walter, via SMS at binigay ulit ‘yung direksyon na dati nang naka-post sa SMS niya noong una. Inulit ko ang text ko, iniwasan mag-shortcut at baka sakaling maintindihan niya ang  pagsusumamo ko sa tamang daan papuntang building nila. Desperado na talaga akong magkatrabaho. Parang system-generated ang text , parehong direksyon ang binigay. Amputsa, sana alam nila ang direkson papunta sa kanila. Mga taga kabilang building lang  ba ang expected nilang mag-a-apply sa kanila?
Sinunod na lang namin ang binigay niya. Hindi high-end ang mga CP namin kaya walang google maps. Sakay ng jeep papuntang Cubao, MRT to Shaw Station. Pagkababa namin ng Shaw dun na kami nawala. Sabi sasakay ng jeep papuntang Quiapo. Naks walang jeep na dumadaan at nakikisabay pa buhos ng ulan. Nagtanong kami kay manong guard at sa dulo raw kami ng fly-over mag-abang. Sa wakas humigit kumulang isang oras pa at narating din namin ang Summit One Builidng.
Pasok sa loob. Nakalimutan mag-iwan ng ID sa front desk. Hehe, ‘di yata mahigpit security at nakalusot kami. Sa 39th floor pa ang eksena. Sakit sa tenga mag-elevator nang ganoon kataas. Si Walter nasa loob na, ino-orient na ‘yung ibang aplikante. Anak ng kulugo, agency nga at iba’t ibang recruiter from different companies daw ang kakatay sa amin.
Unang company, pumasa. Sinungaling na one day process yan. Pinapunta pa ako sa Ortigas site. Baba kami ng building pero di namin alam papunta. Sakay ng taxi at nang malapit nang bumaba ay alam an raw niya ‘yung lugar na binabagtas namin. Sa mga call center talagang mahigpit ang security. Kailangan me identification badge ka bago makapasok. Kuha ako ng test at mock call. Swerteng ipinasa ko naman at ‘di sa pagmamayabang ‘yun daw ang kumpanya na pinakamahigpit sa hiring process.
Sa huli, nang pipirma na ng kontrata, tinopak ako at tinanggihan ko ang opurtunidad na kumita na sana ng salapi. Sabi ko sa recruitment officer nila, “I think the ride from my place to here would be very inconvenient.” Kunwari na lang sa ibang site nila ako pero tumawag man sila ‘di ko sasagutin. Isa pa nagba-background check sila at ‘di ata sila tumatanggap ng may AWOL ang employmet record.
Sa totoo lang tinanggihan ko dahil lang sa ’di ako komportable sa lugar. Ayoko kasi na makulong sa trabahong ‘di ako magiging masaya at sa lugar na pilit kong titiisin at ‘pag ‘di na kinaya ay iiwan ko rin lang. Pumayag naman si partner. Baba kami agad.
Sa paghahanap ng sasakyan pauwi biglang napag-alaman naming ‘yung bus pala ay yung parehong bus na sinasakyan namin papuntang SM Manila. Anak ng tokwa, eh di dapat isang sakay lang pala mula sa tinutuluyan namin.
Ngayon eto balik walang trabaho. Haay, may good idea kami. Babalik kami sa Ortigas, sa katabing kumpanya naman. Job hunting ulit. Hehe.

No comments: