Hindi ko mawari kung bakit ang
karamihan sa mga taong nakikilala ko ay nag-e-expect ng paliwanag sa kung ano
ba talaga ang kasarian ko. Parang nakakaloko lang kasi naman pag straight ka
wala kang obligasyon para sabihing, “Uy, lalaki/babae nga pala ako.”
Awkward ‘yun ‘di ba? Ganoon din ang nararamdaman ng mga miyembro ng third sex
sa tuwing tinatanong sila sa kanilang gender preference? Kaya hindi ako
naniniwalang magkakaroon ng gender
equality sa bansa dahil na
rin sa mga taong kakatwa ang takbo ng isip.
Kaya minsan ayaw ko talaga ng
“introductions” lalo pa ngayong nasa isang contemporary/liberated
environment kuno ako
nagtratrabaho. Maliban kasi sa pangalan, edad, araw ng kapanganakan at iba’t
iba pang katanungan sa ilalim ng araw, malamang sa malamang na kikilatisin ka
sabay diskumpiyadong tititigan mula ulo hanggang paa. Matatapos ka sa
pagpapakilala pero maiiwan ang audience mong may malalaking question mark sa
mukha. Kailangan bang ipaliwanag ang pagiging parte ng third sex?
Hindi ako naniniwalang kelangan ko
pang magpaliwanag gaya rin ng obvious na pagiging lalaki o babae ng ilan. Isa
pang nakakainis ay ‘yung pagtawag ng bakla o tomboy ng karamihan. Nakakairita
lang! Ayoko talaga ng introductions!
Tambay: Ui, bakla...bakla!
Ako: Lalaki...lalaki! Sunog-baga, ul#L!
Minsan habang nasa pantry, napansin
ng co-trainee ‘yung wallpaper ng CP ko. Litrato ni jowa. Napansin kong
nagtataka siya, gumuhit na naman ang question mark. Malaki. Makapal. Tipong, “Ows,
talaga!”
Unnecessary as it may seem, wala na
ako nagawa kundi sabihing si jowa yun para lang mabura na ang mga tandang
pananong. Ayoko ng nagpapaliwanag tungkol dito. Unfair para sa akin. Ang mga
straight kailangan bang magpaliwanag kung sino ang nasa wallpaper ng CP nila?
Pwede ko rin bang sabihing, “Ows, talaga?” Ayoko talaga ng introductions!
Ano nga ba kasi ang mapapala nila
kung malalaman nila ang kasarian ko? Sobrang unusual.. peculiar... out of this
world... odd... ad infinitum.
Itinatawa ko na lang. Ang akin lang, ayoko ng naka-categorize. I am more than
any label!
Ayoko talaga ng introductions. I have
no social obligation to define my gender preference. What you see is what you
get. Isa pa superficial ang introductions. Mas makikilala mo ang isang tao sa
kanyang pilosopiya, sa tipo ng kantang pinapakinggan niya, sa librong binabasa
niya, sa mga kinakain niya at sa mga kaibigan niya. Hindi importante kung siya
ay girl, boy, bakla, tomboy, butiki o baboy. Parang box of chocolates. May mga
tsokolateng bilog, kwadrado, itim, puti at may mani pero sa kadulu-duluhan sa
lasa lahat magkakatalo. Ayaw na ayaw ko na talaga sa introductions!
“You look down at me and question.
I am different, you say. I don’t look like you nor the one beside you. You
raise a brow and point a finger. Little did you know, my roots are on the same
ground as yours. We feed on the same earth. We breathe the same air. If you try
to look around, you’ll see. We amass and blossom fairly and in life’s
cornucopia we may have taken a part better than you.”
No comments:
Post a Comment