Thursday, April 5, 2012

Doubts

Paborito itong ngata-ngatain,
Tsibog sa mga anay kung ito'y ituring
Anong pilit man ito ilihim at balutin
Sangsang nito ilong moy' di mabibitin.
Palamutian man ng gintong kumakalansing,
halagay di papantay kahit sa isang kusing...
Kung ang puso'y maaaring maging marupok,
Sana’y ‘di hayaan ang kapit ay madurog.
Kalooban ma'y puno ng takot,
Nawa’y iwaksi ang mga linta sa isipan
'pagkat pag-ibig ay di kailanman lilisan,
Ihanda sana pusong nagangamba,
kumawala at sana'y muling magtiwala.

No comments: