Monday, May 14, 2012

OF BPOs: Lights and Shadows

Waking up every morning or night keeps me wondering why and how I was wound up in the BPO industry. Maaring wala nang no choice, as TL Joje coins it, o dahil one could find easy money in this business. Ano pa nga bang mairereklamo mo e nakakatanggap ka ng more than the minimum pay maliban pa sa other perks.
Marami  na ang nangyari nitong nakaraang taon. I swifly rode the ship of being a call center agent and left everything behind in the hope of finding greener pastures. At nahanap ko naman. Nabibili ko na ang mga bagay na dati’y hanggang sulyap lang ako at nakakapagtabi pa para sa kaunting gimik. But at the end of the day, may mga bagay na hindi nagpapakalma sa aking isipan. There are things that seemed to be lost in the process. 
Ideals fade into the background. Although masasabi kong fulfilling din naman ang trabaho kahit na hinahanap ko pa rin kung saan na napunta si Teacher Dexter.
Being able to give the best experience to the consumers, yan ang flagship ng customer service. Kaya lang sa dulo ng  pagsatisfy mo sa mga taong nagrereklamo sa natatanggap nilang serbisyo mula pa sa kabilang dako ng mundo, maiiwan kang nagtatanong kung ano pa nga bang makabuluhan ang nagawa mo. Maaring nagagampanan ko nga ang job description sa kontratang pinirmahan ko, natutulungan ang sarili ko pero ano ba ang naitulong ko sa bansa ko?
Filipinos are good communicators. We have a good command in the English language, so they say. Ang pagiging hospitable natin marahil ang dahilan kaya naagaw natin mula sa India ang trono ng pagiging call center capital ng mundo. On a positive light, maraming nagsasabi na we have abundance of talent sa Pilipinas kaya ang mga business moguls mula sa mga bansang itinuturing na panginoon ng ekonomiya choose to tie business with us. Voila! Offshore operations ang naging bunga na siyang bumubuhay sa maraming Pilipino nayon.
Subalit sa mapanuring pagtataya, it is but sugar coating. It is given na tayo nga ang call center capital ng mundo. Napakaraming BPO company ang nagsusulputang parang kabute. Pero ang hindi natin kalimitang napapansin ay ang negatibong epekto nito.
Isa sa mga di magandang implikasyon ay ang lumalaking isyu ng mismatch ng available jobs at mga graduates sa bansa. Hindi lang miminsan ko narinig na karamihan sa mga agents ay mga nursing graduate na walang mahanap na opurtunidad sa bansa. Pero totoo rin na sa pagiging call center agent bumabagsak ang mga graduate natin regardless of the course they have taken.
Even professionals na binuno ang hirap ng pagkuha ng board exams at nagbuhos ng dugo’t pawis ay nakakayang tiisin ang pag-upo ng walong oras habang naghihintay ng tawag mula sa mga estranghero. Gaya na rin ng nangyari sa akin, hindi ko lubos maisip na ang mahabang panahon na iginugol ko sa pag-aaral ay mauuwi sa BPO. I saw myself inspiring students as a teacher, mastering my craft just to end up attached to a headset and to stare at a monitor.
Aminin man natin o hindi, the country cannot generate enough jobs para sa mga estudyanteng nagtatapos taon-taon. Kaya naman kailangan talaga natin ang ibang bansa tulad ng Amerika to create job oppurtunities masaktan man ang ego ni Filipinas. Kapisan ng pagiging skilled ng mga agents sa bansa, katotothanan pa ring mababnggit na we are hired dahil mas mura para sa kanila kung tayo ang gaganap sa mga trabahong ito. Isa pa, may kakayanan lumikha ng sapat na trabaho ang mga bansang ito na nagmumukhang charity na lang ang offshore centers.  Pero patuloy pa rin tayong nagyayabang kahit pinagtatawanan tayo ng ibang bansa. Ewan ko nga ba sa pamahalaang meron tayo. Mas masipag pa kasi sila sa pagtatalangka than focusing on matters that matter.
We have excess talents and they all go down the drain. Nabanggit na rin lang, isa pa sa mga isyu na kinahaharap ng bansa ay ang lumalalang brain drain. It is a humdrum na ang ating mga mangagawa ay magbubuwis ng buhay makatungtong lang sa ibang bansa sa paghahangad ng magandang opurtunidad.
 Kung tutuusin hindi pa man nakakaalis ng ibang bansa, nagaganap na ang brain drain. Kahit sabihing nakabase sa bansa nag mga BPO, hindi maikakailang ang mga kanluraning bansa pa rin ang ating pinagsisilbihan. Minsan tuloy nakukwestiyon ko na rin ang aking patriotism. Hindi ko lang kasi natutunan ang mga kanluraning pamamaraan but I have learned to adopt their ways and know it by heart. Talk about time and service, you bet, I have had couple of fights because of how fellow Filipnos deal with things.
So much for the dark side of things, marami ring pluses ang pagiging parte ng BPO industry. Isa na ang pagiging cozy ng environment. Lalo na kapag summer, while other people are perspiring eto kami at nagpapakasasa sa AC na kadalasan nakafull blast kahit pa nanginginig na mga ngipin namin.
Isa pa sa gusto ko sa ganitong trabaho ay ang professional growth that it offers. Sa Pilipinas kasi, hanggat hindi ka nagkakaugat sa trabaho hindi ka mapo-promote. Kelangan mong pumila hanggat walang ibang mas matanda o mas matagal sa trabaho maliban sa iyo. Kailangan mo rin ng koneksyon at magpa-impress sa mga panginoon, worst mag-invest sa gifts para lang mapansin ka. Sa call centers kasi performance based. As long as you met the qualifications and you are fit for the item, ibibigay sa iyo.
Kaya naman di pa rin ako nawawalan ng pag-asa na matagpuan ulit si Teacher Dexter. Andyan lang siya naghihintay ng pagkakataon. Kahit hindi man sa isang totoong school, I can channel the energy. Weh, balak maging trainer which is still a nice way to touch other people. At least hindi ako nagnanakaw para lang sa isusubo ko araw-araw.
Nais kong humingi ng tawad kung naturn-off ka man sa mga nabasa mo. Minsan kasi, gaya ng nabanggit , wala ka nang no choice. Sometimes you are presented options that are less favorable and you are left to choose the lesser evil. Wanna bet?
Ring. Ring... Teka lang ha.
“Agents, 100 calls waiting. No ACW. Auto-in please.”
Unmute. “Thank you for calling. This is Dexter, how may I help you?” (wink!)


No comments: