Wednesday, July 25, 2012

NOMENCLATURE: Mga Lalaki, Gaya Nila Dati, ATBP

Bilang Science ang specialization ko noong College, hindi ako pinalamapas ng mga subject na may kinalaman sa  buhay ng tao at sa pag-ikot ng mundo. Nariyang huhuli ka ng palaka, babalatan, hihiwain at imememorya mo  ang bawat laman, lamang loob, buto at litid ng mga kawawang nilalang. Tandang-tanda pa ng ilong ko ang hapding dulot sa tuwing gumuguhit ang amoy ng formaldehyde kapag binubutingting namin ang mga kamag-anak ni Kerokeropi.

Pero ang minsang ‘di kinakaya ng utak ko ay ang pagmemorya ng mga scientific names at kung paano ko maaalala kung saang phylum, class, order at kung ano pang kachorvahan nakabilang ang isang creature. Kasalanan ito ni Carolus Linnaeus e, ang Father of Modern Taxonomy. Pero keri na rin dahil at least nagkaroon ng organisasyon at walang nang dahilan upang mag-alsa ang mga aktibistang putakti dahil sa ‘di sila na-acknowledge. Aba, liban na lang kung shy type at ayaw padiscover ng lahi nila.

Homo sapiens, ito ang scientific name nating mga tao. Oo, tao kesehodang “hayop” ang tingin ng iba sa iyo. Maiba lang at gusto kong mag-astang Linnaeus. Napagtripan ko gumawa ng sariling nomenclature sa mga lalaki, aggregates at derivatives nila. (Ano raw?) Just scroll down and learn. Tsarlot J

Ø  HIPON (Adanus hiponis) – Almost perfect. Perfect almost. Guwapo sa malayo pero kapag lumapit na malayo na sa guwapo. Mula paa hanggang leeg e paglalawayan mo. Mga tipong pangmodel. Matangkad. Tipong panaderya ang katawan sa dami ng pandesal. Swak pangphotoshoot plus the power of Photoshop. Marami kung magpost ng picture sa Twitter at Facebook, pugot nga lang.

Ø  LOLLIPOP (Adanus lollipopus) – “Aanhin ang seksing body kung mukha lang ang kailangan sa ID,” ito ang tagline ng samahan ng mga ito. Puro “beauty shot” naman ang laman ng mga SNS kasi either mataba o payat ang katawan.

Ø BULALO (Adanus bulalowis) – Mga kamag-anak ni Dexter. Ito ‘yung malalakas ang loob makipagtexmate, phone pal at makipagchat. Magaling sa word play. Intellectual at marunong magcompliment. Maiimagine mo ang perfect guy sa tuwing kausap mo sila kaso bigla na lang nang-iiwan sa ere kapag nagreply ka na ng eyeball o cam-to-cam kahit may puh-lease pa!

Ø  BUKO (Adanus cocoferamen) – Nevermind na ang physical features. Kaso umaapaw naman ang inner beauty. Masipag. Malambing. Magaling manuyo at mang-amo. Nagagawan naman ng paraan ‘yan . Print lang ng picture ni Derek at itapal sa fes. Echos!

Ø  GAY-SHA (Adanus loveangkaparis) –Sino pa. Alam na. Plangak. Mga anak na walang magulang pero patuloy ang pagdami. Mga salita'y swardspeak, nihonggay at gay lingo. Iba’t iba ang uri. Isang bowl ng salad ang community. May sarili ring nomenclature. Effem. Pamhin/Paminta na may durog at buo. Closeta. Pagurl. Mukha nang gurl. Nagpipilit maging gurl. Sheman. Golden gay. At kung anu-ano pa. Sabi nga nila, “”We are within and amongst you!” Nakakalurkey!

Ø SHEBOLI (Ebasha loveangkaparis) – Ba’t kasali ‘to? Well, baka may mag-aklas at sabihing discriminating ako at maireklamo ako sa Ladlad Patry List. Baka masampahan pa ako ng kaso ng mga advocates ng LGBT. Lalaki nga naman ang topic at ‘yun ang orientation nila. Gaya ng mga Gay-sha, salad bowl din ang mga ito. Pabrusko. Discrete. You name it!

That’s it folks. Marami pa. Pagod na nga lang ako. Marami pa ring ‘di nadidiskubre. At tsaka hirap na akong isipan ng pangalan kapag ang classification ay kombinasyon na ng mga ito. Pwede kasing macategorize ang mga lalaki/dating-lalaki/gustong-maging-lalaki sa kahit dalawa o tatlo sa mga nabanggit. At dumarami pa sila. Totoo nga ang evolution. Nag-evolve na nga ang mga Homo sapiens ng hindi nila nalalaman. Sana mareincarnate na si Linnaeus, hirap ng trabaho niya e. Rest in peace. Peace! At sa mga medyo nagtaas ng kilay o uminit ang ulo, tandaan: “Bato-bato sa langit ang tamaan... charing!”

Monday, July 23, 2012

POSITIBOngga

You may have felt it, somehow an familiar feeling but chose to opt for the other. Maraming pagkakataong kinukulang tayo nito. Sa tuwing nagpapatintero ang mga bubwit sa dibdib. Sa tuwing tenga’y makasasagap ng balita. Sa tuwing may mungkahing solusyon. Hindi maaaring lumagay sa gitna. Sa huli, pipiliin ang mapusyaw, mapakla’t salat sa pag-asa.

Ito ka, humahangos at dilat ang mga mata. Kabababa mula sa dyipni. Pinagpapwisan ang magkabilang kilikili. Di maayos ang pag-iisip. Hindi lingid sa lahat ang sinapit na madukutan sa gabing ito. Mahuhuli ka na sa trabaho. Ano ang gagawin mo?

Karamihan ay tiyak na magmumukmok at maglulunoy sa pag-iisip sa mga pangyayari. Sa tuwing may mangyayari’y sa negatibong implikasyon o naidulot ng mga bagay-bagay tayo kadalasan ay kumikiling. Iisipin tiyak ang pamasahe pauwi, na nawala ang pinaglaanan ng pawis o labis pa’y kung sino ang dumukot at ang pagsumpa dito. Hindi namamalayang ang mga oras na inilalagi sa pag-iisip ng mga bagay na hindi na maibabalik ay siya naman oras na nababwas as sanay mga inutong mababayaran pa sa pagpasok.

Madalas ko ring napapansin sa tuwing nasa daan, ang mga tsuper na walang habas sa pagbusina sa tuwing tumitigil ang kanilang takbo, kesehodang dahil sa stop light or mabigat lang talaga ang trapiko. Iiling-iling na lamang ako. Aksaya sa baterya. Sila rin ang mauubusan ng enerhiya. Dagdag pa sa noise pollution. Ang kikitid ng utak. Kahit naman gaano kalaking value ng decibels ang ilalaman ng busina nila ay di naman sila makakausad. Hindi naman mahahawi ang mga sasakyan sa harapan para lamang padaaanin sila ano. Sabaw lang?

Kawalan ng positibong disposisyon, ito ang karaniwang problem sa mga namomroblemang tao. Imbes na isipin ang solusyon ay uunahin pa ang pagtuturo at paghahanap ng pangalang  maisisigaw. Madalas na napapako tayo sa kasalukuyang kalagayan at kung minsa’y binubulok natin ang ating mga sarili sa lungkot, galit, at depresyon.

Nito lang nakaraan sa SONA ng Pangulo ay malamang na mas marami ang nagtaas ng kilay sa halip na pumalakpak. Maaaring sabihin na listahan lamang ng hangin ng pamahalaan ang mahabang talumpating ‘yon. Isang klasikong halimbawa ang mga taong sinisisi ang gobyerno sa kanilang paghihirap subalit wala namang gingawa upang bigyang lunas ang sariling mga karamdaman. Sabi nga, datapwat hindi mo kasalanang ipinanganak kang mahirap ay kasalanan mo  na kung mamamatay kang isa paring dukha.

Sa kanilang paningin, hindi naman nila nararamdaman ang mga nakatala sa ulat ng Pangulo. Ang iba nama’y sasabat ng, “Yun lang?” Kung tutuusi’y dapat na ipinagpapasalamat natin na bagamat sadlak na ang Pilipinas sa kahirapan, bilang isang third world country, ay umuusad din naman.

Ako ma’y aminadong sa mga pagkakataong ako’y nahaharap sa mga mapanuksong pagsubok ay nababaling ang aking atensiyon sa mga negatibong aspeto ng bawat sitwasyon. Minsan hinananap ang mali. Pinapansin ang kulang. Mas niyayakap ang pagkabigo. Isa kasi ang pagiging insatiable sa natural na katangian nating mga tao. Pilit nating hinahanap ang perpeko sa mundong hindi perpekto.

Ano ba naman ang isipin ang positibong mga bagay. Ang solusyon.  Kung ano ang meron. Ang nagawang tama sa halip na ipagduldulan ang mali. Ang pagbangon sa halip na pagyukod. Tiyak gagaan ang lahat at ang daigdig mo’y magiging POSITIBOngga.

Mangyaring hayaang iwan ko mula sa pelikulang “Meet the Robinsons” ang mga salitang ito:


“Around here, however, we don’t look backwards for very long. 
We keep moving forward, opening up new doors and doing new things,
because we’re curious... and curiosity keeps leading us down new things.”

Paulit-ulit na wika ni Cornelius Robinson: ALWAYS KEEP MOVING FORWARD!

Bato-balani

Paalam na mga huling talulot
ng nakaliligalig na nakaraan.
Pilit mang iwinawaksi
ang mga nota mula sa awiting
dulot ng kadilimang nakamamanhid
ay di pa rin nagmamaliw ang pagtangis
ng tinig na sadyang sinisikil.
Anong hirap ang di maibulalas
mga panaghoy ng damdaming nahirati;
sumasabay sa mahabang prusisyon ng kamatayan.
Bawat sakit ng katawang nanghihimagal
ay di kailanman makakapantay sa pusong binawian ng pintig...
at ang walang hanggang pakikipagtunggalian
ng hiraya’y iiwanang walang saysay.
Idudulot nito’y mga kundimang nabusalan,
mga tulang pipi at mga talang pundido
na pilit isinisilid kanugnog ng tuyot na pag-ibig.
Muli’t muli’y dito magpapanumbalik,
Isang sirkulo – paulit-ulit.

Thursday, July 12, 2012

Constipation, Sabik na Makaraos at Dating Subok MagFlash

Mahirap ang pakiramdam na constipated ka. Parang may something na nakabara at may bagay na hindi makahinga. Mabigat ang mga giniling na pagkaing naimbak na sa tiyan mo’y dala-dala. Halos kaparehas din yan ng mga sensasyon na nadarama ko sa tuwing constipated ang utak. Parang na-stroke ang mga brain cells at ‘di makagalaw ng maayos. May mumunting kilos, may mga ideya pero hindi sapat upang bumuo ng isang matinong story line. Solusyon? E di ang magFLASH!

Ito ‘yung uri ng sulatin na tipid sa mga salita. Mga kalahating page lang sa tipikal na word processor ang ilalaman. Pero para sabihing tamad ang sumusulat nito ay isang malaking pagkakamali. Mas mahirap po kaya ang magsulat na mayroon kang limit. Hindi ko sinasabing may limitasyon when it comes to creative direction pero sa bilang ng salita. Kaya nga flash fiction o dagli ang tawag dito.

Inilaan ang ganitong style ng pagsusulat para sa mga Homo sapiens na isinuko na ang halos lahat ng oras sa pagkita at paggasta ng kinita upang sa mga nakaw na mga minute ng kanilang mga buhay ay makapagbasa at may maikarga naman sila sa utak na may laman at ‘di pawing sabaw lang. Malaki ang demand nito sa brain cells dahil kailangang mailahad ang isang buong istorya sa minimal na teksto subalit sa dulo nito’y magkakaroon pa rin ng pagkakataong mapaisip ang mambabasa sa mensahe ng kanyang binasa.

Kaya naman hats-off ako kay pareng Eros Atalia dahil sa kanyang librong “Wag Lang Di Makaraos 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay).” Biruin mo, isandaang flash fiction ang pilit hinabi ng kanyang karne sa bungo. Ilang brain cells niya kaya ang nagmakaawa? Malamang sa buhos ng maiikli subalit malalalamang dagli ay hindi lang nagamot ang  constipation kundi baka nagtatae na ang utak niya habang sinusulat ito. Saludo rin ako sa hindi niya pagkakakulong sa mga convention ng pagsusulat na minsan ay nagiging malata na sa panlasa ng mga readers. Isa pa, marami sa mga dagli niya ang nagfeature ng mga nilalang gaya ng tiktik, nuno sa punso, tikbalang, kapre, diwata at manananggal na sadyang parte ng Philippine folklore. Nakaka-proud. Papabasa ko ‘to sa anak ni Janice soon o kay Noynoy Tisoy sa kanto mamaya.


Dati’y nagsusulat na rin ako ng dagli. Madalas na spontaneous lang. Kung tutuusin, sa literal na pagtataya ay iisipin mong bitin ang mga kwento, Kung kelan kasi gumagana na ang brain cells mo sa binabasa ay siya namang daglian nitong pagkatapos. Subalit kapag between the lines ang pagbabasa, masasabing sa maikling akda ay ang libong ideyang maaring tumakbo sa isip ng manunulat bago nauwi sa animo’y tipid na kathang isinabuhay sa iyong imahinasyon.

Ang nasa ibaba ay isa sa aking mga akda na nalimbag sa The Golden Harvest taong 2009.

ENTROPY
Isang araw na naman ang bubunuin. Mahirap ang trabaho subalit wala namang mapagpipilian. Pasok muli sa kwartong ‘yon. Tititigan uli ni Aling Pesing ang tatrabahuhin niya sa buong umaga. Isang tulirong araw para sa kanya at sa iba pang manggagawa sa kani-kanilang bahay. Napapakamot na lamang ng ulo. Nanlilimahid sa sobrang alinsangan. Tagaktak ang pawis sa hirap na nais malampasan.
Isa-isang pupulutin. Maliit. Malaki. Bilog. Kuwadrado. Ang sama-sama ay paghihiwalayin niya ayon sa sukat, hugis at kategorya. Tapon sa kahon, sa shelf, at kung saan-saan pa. Nang makaipon na ng kumpol ay muling ihihiwalay ang may kulay sa puti. Itutup. Isasalansan.
Lahat ng walang silbi at ‘di na mapakikinabangan. Pati na rin ang malatak at may pambihirang amoy. Lahat ‘yon ay tinipon sa isang lata. Sa wakas, tapos an ang kalahating araw.
Ang ingay na ‘di niya pinanasin ay sumorpresa sa kanya. Kablaag! Bumukas ang pinto. Tumilapon ang Ale pasalampak sa sahig. Dumilim ang paninging nanlalabo. Kablaag! Sumara ang pinto ng kwarto habang umaalingawngaw pa ang halakhak ng alaga niyang bata.
Isang iglap lang ang kailangan. Maliit. Malaki. Bilog. Kuwadrado. Matulis. Mapurol. Lahat ay muling nagkahalo-halo. Ang nasalansan at natupi’y nagmistulang kinalamay. Ang malatak at may pambihirang amoy ay nagbabadya ng paghalukay ng sikmura.
Hindi na pinunasan ni ALing Pesing ang pawis. Wala nang buntong-hininga pa. Uulit siyang muli mula sa umpisa. Masahol pa, sa tingin niya.

Saturday, July 7, 2012

Songs and Seething Rain

Rain, these little droplets of water cascading from the darkened clouds is slowly  piercing the cloak I thought was impermeable. The only sheet that keeps me safe from the demons I am trying to evade seems to yield by its bending. 

It is enticing; asking me to jump into the pool of long held thoughts and memories I am trying to supress. The songlist plays – unending! As if mocking, it reanimates every laceration from where tears and blood have long dried up.

Packing tape! Dagdag pasanin pa ang ulan na 'yan. Mahirap magpatuyo ng labahin (as if namang naglalaba ako...). Walang maisuot pampasok. Pati brief kapos na sa supply. Buti na lang at may mga boxers pang tuyo, pagtitiyagaan na kahit 'di masyadong suportado at sipunin si friendly pren sa ibaba ng puson. Mamasa-masa ang paligid. Pati loob ng kwarto may lamig na nakakikilig. Patuloy ang mga kanta sa background. Packing tape talaga!

Every time you look my way
Something in me feels so strange
And I'm starting to think you are why I'm
Stu- stu- stuttering...
STUTTERING by Jazmine Sullivan

Optimistic. This is what you become when you get smitten by love. Para bang nagkakaroon ka ng super powers at hinihintay mo na lang ang mga super villains na isa-isa mong patutumbahin. Nariyan 'yung eksenang magte-text lang ng simpleng “good morning” si crush e para ka nang buhay na pusit na inaasinan kung magkikiwal sa galak. Feel mo kasi siya lang ang perfect na tao sa mundo dahil blinded ka sa kahit anong kapintasang sabihin ng iba. PBB Teens lang ang peg!

And you completely know the power that you have
The only one that makes me laugh
Sad and it’s not fair how you take advantage of the fact
That I love you beyond the reason why
And it just ain’t right...
HATE THAT I LOVE YOU by Rihanna

Tapos magiging kayo. Pakipot na pa-obvious (if you know what I mean). Ang totoong getting to know each other stage naman e nagco-commence lang 'pag item na talaga kayo. Ang magic of love nga naman. 'Pag may mga konting tampuhan 'aba peace offerings lang ang katapat niyan. Alam na alam niyo kung papaano aamuhin ang isa't isa. Siyempre “high noon” pa ng kilig factor ang drama niyo. Nariyan ang hugs and kissess, HHWW, at mga endearments. Halos 'di mapaghiwalay at kung mgakahiwalay man e konektado pa rin sa text, tawag o SNS. Pak!

I never meant to start a war
You know I never wanna hurt you
Don't even know what we're fighting for
Why does love always feel like a battlefield
A battlefield, a battlefield?
BATTLEFIELD by Jordin Sparks

Here comes the point na masyado na kayong all over each other. Minsan kasi magkaiba ang “siya ang isa sa dahilan kung bakit umiikot ang mundo ko” sa “siya ang mundo ko”. Ang trust ay hindi basta-basta ibinibigay or should I say walang taong nakapagbibigay ng 100 % nito. Hundred percent is a superficial idea. Dahil sa sobrang mahal mo ang isang tao, nagiging possesive ka. Tipong 'yung iba guardia sibil ang role. Alam ang password sa FB, Twitter, YM, skype, cellphone etc. ni partner. Gusto e realtime mag-update si bowa na ultimo pagdumi dapat alam nila. Pero 'di mo alam pati siya bantay din sa iyo. Kapag nag-fail ang trust and you let your guards down, babaha na niyan ng luha panigurado. Mas madalas na kayong buwisit sa isa't isa. Away-bati. Pero ang lamat ay mananatiling lamat. You will definitely carry a tinge of doubt no matter what. Minsan  cool-off. Pero ang tingin ko kasi sa cool-off e parang telenobelang ine-extend na lang ang airing, kontinna lang offline na rin.

They say we dont fit together
And I could do better
There's always something
They dont know the hell we've been through
Cause when you hold me like you do
That's when I want to change nothing...
CHANGE NOTHING by Jessica Sanchez

Daraan ang lovers sa baku-bakong daan. Nariyan ang mga friends na minsan e ayaw kay bowa. Minsan 'di natin pinakikinggan. Kahit alam mong nagfe-fail na ang relasyon e umaasa ka pa ring mauunat ang mga kusot. Sa dami ba naman ng pinagdaanan niyo. Pero ang friends alam 'yan. Pero ikaw hopeful pa rin at ignore lang ang peg mo.  Iindtindihin mo na lang nang iintindihin pero, ampota, patuloy ka pa rin sa pagpa-pry sa mga activities niya. Although okay ka, subconsciously humahanap ka ng butas. Naghahanap ka ng vindication na totally mag-fail man, siya dapat ang may kasalanan.

I won't soar, I won't climb
If you're not here, I'm paralyzed
Without you, without you
I can't look, I'm so blind
I lost my heart, I lost my mind
WITHOUT YOU by David Guetta

Emo mode. Eto ka kapag nagcool-off. Space raw para mare-assess ang mga pangyayari. Either way isa sa inyo maaaring maka-connect uli pero ang isa malamang na ang ina-assess ay yung other option na. 

But you put on quite a show, really had me going
But now it’s time to go, curtain’s finally closing
That was quite a show, very entertaining
But it’s over now
Go on and take a bow...
TAKE A BOW by Rihanna

Pero darating ang Apocalypse. Magsasawa sa isa't isa at mayroong maliligaw sa ibang ilog. Dito na magka-crumble ang superficial na trust. Sabi nga nila, laging makakarating ka sa isang dead end sa sanga-sangang daan ng pag-ibig. (Tissue puhlease!) Kapag nagkahulihan na, maaaring magsumbatan, magsisihan, at magsuyuan man, wala na talaga. Ang dating sweet nothings ay magiging bitter everything. Masakit. Kumikibot-kibot ang kirot sa puso. Separate ways na and peg.

Pinagdaanan ko na lahat. Darating talaga ‘yung time na mangyayari ang mga yan. DABDA. Denial. Anger. Bargaining. Depression. Addiction. May iba’t ibang faces na kailangan mong lusutan. Huwag na huwag ka lang masyadong maglinger sa isa at siguradong mapag-iiwanan ka.

At para sa IYO ito...

And I’m gonna fight to keep you mine,
Before I let you walk out of my life...
I’ll die, if you’re not by my side
I’m gonna fight for the life
I’ve been looking for...for so much life
I’m gonna fight,
I’m gonna fight...
FIGHT by J Rice

After all, pagkatapos ng lahat you’ll see the world at a better life. There’s always a rainbow after the rain ‘ika nga.