Friday, September 7, 2012

Kape at Creamer: Happy Bertdey Sa’yo

Soulmate man o hindi, alam kong isa siya sa mga taong  hinding-hindi ko pagsasawaang makasama. Hindi ka naman araw-araw makakakita ng taong  mapagkakatiwalaan mo at mapagsasabihan ng lahat. Best Buddy. Confidante. We all long for a companionship that you can rely on. Isang bond na mas madikit pa sa super glue at mas matibay pa sa kahit anong gusali sa mundo.



Halos magdadalawang taon na akong nakatunghay at sa akin ay nakabukas ang libro ng kanyang buhay. Alam ko kung kelan siya natutuwa, naiinis at galit (kahit ang ilan ay drama lang niya minsan hehe ^_^).

Parang si Phineas at Ferb, Spongebob at Si Patrick, mga Winx at Pixies, sago at gulaman at kahit tulad na lang ng salt at pepper shakers. We complement each other.

At sa pinka-importanteng araw mo, isang pagpupugay at pasasalamat sa pagiging creamer mo sa mapait na kape ko. HAPPY BIRTHDAY!

1 comment:

Unknown said...

wow! nakakatuwa naman ang pinagsamahan ninyo. para na kayo'ng magkapatid talaga.

maligayang kaarawan sa kanya :)