Tuesday, January 24, 2012

Invincible

Hindi maigagapos ng pinakamatibay na tanikala
ang mga bagwis nitong pagsinta,
Walang halimaw o serpyente
ang sa hiwaga'y gagambala,
Igugupo pananakop ng mga higad at linta
sa katawang inuupos ng kalungkutan.
Itutumba anomang balakid,
Hahadlangan lahat ng pasakit,
Walang tinik, sibat o espada
ang sa ating nga puso'y hihiwa
Dahil ang mga ito'y isinilid
'di sa kahong yari sa bato, adobe o ginto
kundi sa sisidlang pinanday ng pag-ibig.

February 14, 2011

Trapik Jam

Naghahanapan. Nag-uunahan.
Limutin na, 'wag magturuan...
Pilit hahabulin, makikipagkarerahan,
Pasasaan ba't tayo'y magtatagpo rin.
Bawat liko sa daang nakaatang,
Lahat ng batong matatalisod,
Pati mga bako'y lalagpasan,
Hadlangan ma'y 'di patitinag,
Bara sa daa'y pilit hahawiin
makasagasa man.
Pumito, bumusina, kahit pulang ilaw pa
sa aki'y bumalandra,
Babaliin matitikas na batas,
Paluluhurin pati tagapag-atas,
Walang makapipigil
Makarating lamang sa tagpuan
ng mga pusong nangungulila...
Dito sa biyaheng ito
IKAW at AKo lang ang pasahero,
Kapit aking sinta
sapagkat dito'y bawal pumara!

February 13, 2011

Against Dead Ends

Acrimony, that's what life is
when roses turn black
and thorns cut like blades.
Why allow the crows to peck you
then blame me for the cause…
Would you loosen up the reigns
so torrents would tear me down…
To these yearnings I clung
to whatever paths we may have been to
Why bade this prize away
when it could have been saved from hell
Spare me this unearthly despair
No dead ends for us...
I'll fight over and win my prize!

February 2, 2011

Doctor's Prescription

Thoughts are chained with fear,
Pain bites through this cold cellar's core,
Agony stealthily dots every tick
lacerating the weary heart.

When all threads are tangled;
knitted in love's complex lattice.
A disease throbbing!
Static. Corrosive.

An unfamiliar voyage
that the lost sailor has to bear...
where distance doubles doubt,
when confusion paints a silhouette.

Let courage be summoned!
Have faith my beloved,
for when everything else is in a blur...
my heart will find its way...
to you,
my LOVE,
my ANTIDOTE,
my CURE.

January 27, 2011

Angelic Melody


Forces impossible to resist
unrelentingly devour the waiting,
Particles  were thrown into trance
to mimic a novel rhythm,
Slick and slithering tunes
paraded the static music score,
Melody cloaks the atmosphere
to lull the lonely debonair.
Harmony teases the weary
for this magnificent dance,
As tides ebb and drift away
The angel comes…
Swiftly, declaring its power,
Stealthily  striding as it rides Zephyr
to claim his prize,
thy loving heart!

January 12, 2011

Water. CANS. Potions

Through every vein is false elixir,
the bitter liquid pinning these hands
I am thirsty of freedom!
I can't breathe, my heart sings
a sickening ballade,
I want to dance but my feet wont
for the corrosive keeps them numb.
Inside the ballroom I stand,
alone though waves of faces stare.
I yearn for a cup of you,
the very drop I lust for.
For you continue to search as I do,
Purify the petrifying potion
I will dance with you forever
and my heart will sing praise,
while your drops of wine continue
to fill my vessel.

Monday, January 23, 2012

IKAW Lang


Saan nga ba tutungo
ang mga pangarap kong hinahabi…
Para kanino nga ba
laan bawat pintig ng puso…
Sinong nararapat
makatunghay sa mga ngiti…
Kanino ba
buhay ko’y handang isuko…
Nalalaman ba
hangganan nitong pagtangi…
at sa dulo ng paglalayag
Mithiin ba’y matutupad…
makadaupang palad,
makasama,
makapiling,
tinatangi kong IKAW lang!


January 13, 2011

TSUGIO

Tulad ng mabining hanging dumadapyo
    sa mga pisnging namamanhid,
Sansaglit ang makita ka’y pumapawi
    sa mga latay ng damdaming nalulumbay.
Ubod hirap man ng salasalabat na landasi’y
    ‘di magiging dahilan ng pagpanaw ng tuwa.
Gumuho man mga tore’t mapundi ang mga tala’y
    ‘di kailanman yayakapin ng karimlan
Ikaw, dahil ikaw ang bagwis, moog at kabiyak
     ng pusong pumipintig lamang para sa’yo
Oh aking lakan, buhay at langit!

January 2, 2011

UNO

Under your wings I am safe
No tempest could ever break
Over the shields you’ve casted

Untainted you are
Nirvana, this is what you bring
Ordain this love of mine

Undying, the promise I make
Not to break thy fragile heart
Of the angel sent to save me

Utter those words divine
Never leave me and I will
Offer thy life to you my dear beloved.

 January 1, 2011

HUBS World


Maikakaila pa ba sa aking mga pananalita
at sa mga panambitan at gawang makulit
na ang mundong kasama ka ay…
Isang dakot ng mahiwagang alikabok
na nabubudburan ng mga talang kumikislap.
Ito’y kuta ng ating nagtutugmang diwa
kung saan ang mga paru paro’t rosas ay nagniniig.
Mga hibla ng ating magkaparis na ritmo
dito’y walang humpay na nagsasayawa’t nagtatali.
Kabuuan ito ng pira-pirasong pangarap at mithiin…
Isang kahong nangangalaga laban sa huwad,
nagtatangi sa puwersang humihila sa ating mga puso
patungo sa isa’t isa.
Oh natatangi nating mundo…
Kutang ‘di kailanman mapapasyalan ng sinoman.
Ating binuong paraiso kung saan  ang Ikaw ay Ako.
Ako ay Ikaw…
at ang dalawa’y iisa
pasubalian man ng lohika.

March 1, 2011

TSINELAS

Makulay. Pares pares. Sari-saring hugis. Sukat. Magkakambal na saplot sa paa.

Sige pili lang nang maisukat. Kailangan ng babagay sa paa. Komportable dapat. Lumapit si Mac-mac sa sales lady.Pilit niyang kinuha ang atensyon nito.

"Sir, slippers po?"
"Oo, miss."

Kinuha ni Mac-mac ang isang pares ng tsinelas sa rack. Size 9. Siguradong kasya sa paa niya.

"Oh, yan po sir. Bagay po sa inyo. Tamang-tama. That's one of the best here po, best brand po namin yan." 

Isinukat. Sinipat. Tumango. Bagay nga. Magarbo. Paniguradong mahal. Hindi bale. 'Yon naman talaga ang hinahanap niya. Branded. Pamporma. Cool.

"Sige, miss. Kukunin ko."

Iniabot niya ito sa sales lady na kanina pa nakangisi. Umubra ang sales talk at mukhang makakabenta.

Muling nabaling ang atensyon ni Mac-mac sa rack. Tingin-tingin lang. Nang walang anu-ano'y nahagip ng kanyang mata ang isa pang tsinelas. Kinuha. Simple. Kung tutuusi'y pipitsugin. Medyo magiging maliit dahil size 6 lang. Isinukat. Kinilatis. Gumuhit ang matamis na ngiti sa mukha ni Mac-mac. Natipuhan.

Eh ano naman ngayon. "Miss pakisama mo na rin to"

Kumunot ang noo ng sales lady. Astang mapapakamot ng ulo.

"Sir, wala pong pair 'to."
"Basta babayaran ko."

Bunot ng wallet. Abot ng bayad. Tiyak luluwa ang mata ng sinoman 'pag makita ang presyo nung branded. Sa kabilang dako, kahit sino kayang bilhin 'yung ikalawa, mumurahin na wal pang kapareha. Tiyak nakabili na sana siya ng sampu nito kapalit nung may tatak. Sino naman ang bibili ng tsinelas na kaliwa lang. Tiyak di rin magagamit.

Pagkalabas na pagkalabas niya ng department store ay agad sinukat ang pinamili. Isinuot. Yung branded muna. Napailing si Mac-mac. Parang may mali.

Isinukat niya rin 'yung isa pa. Ung de-tatak sa kanan at sa kaliwa 'yung hindi. Size 9 at 6. Asiwa. Kakat'wa. Maling-mali. Hindi man 'yon ang tamang magkapares. Ngunit sa pakiramdam niya'y tama. 

Gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Eh ano naman ngayon. Masaya sa napili niyang isuot. 

'Di magkapares. Hindi cool. Kakat'wa mang tingnan subalit masaya siya. Magandang magkasama. 

Walang atubiling tinapon niya ang dapat ay kapares nung branden niyang tsinelas. 

Tumingala. Muling napatitig si Mac-mac sa kanyang bagong pares ng tsinelas. Napangiti siya. Mahaba at malayo pa ang lalakarin.


- HUBS 18, May 16, 2011
(This was written to prove that not everything that seem odd could be offensive, abnormal and unacceptable. Sometimes it needs guts and utter feelings of joy from deep inside.)
- i do not own the photo and am not taking the credit.