sa pagnanasang makilala
itong imahe
na sa bawat pagliko’y
laging namamasdan.
Sa dami ng sala-salabat na
landasing ating tinatahak
ay nakalahad sa aking
salisalimuot na daraanan
itong ‘di rin mabilang na pagkakataong
nasasalubong siyang tiyak.
Sa bawat makinang na pader
ay masisipat
parehong mukhang aking
hanap
datapwat may mga mumunting
kaibhan
sapagkat ang mga
ipinintang dibuho’y
iba’t iba ang hugis, laki
at kulay.
Ngunit ‘di maiwawaksi ang
katotohanang
iisa ang mukhang may ngiti
at luha
mula sa mga salaming aking
sinisipat.
Mapanuri. Sang-ayon
subalit tumutuya.
Lumilingon pabalik sa
bansang aking tinanging
nagbigay ng lakas at
mithiing kay sidhi
Sa paglabas sa bahay ng
mga salamin,
tulad ng biyahe sa buhay
nating babakasin
ay mapagtatantong ang
bawat isa,
na may sanlaksang hugis ,
laki at kulay,
ay isang repleksyon ng
kabuuan ng ating paglalakbay
at ng PINOY saan man sa
mundo matangay
tungo sa ang tunay na AKO
at ng tunay na IKAW.
*Ang tulang ito ay kalahok sa Saranngola Blog Awards 4
6 comments:
MAganda ang ideya ng tula.
Goodluck po sa iyong entry :)
Maraming salamat sa pagbisita. Sapat na ang maibahagi ang mga salita...
good luck! :D
galing.
Maraming salamat... your comment is highly appreciated. La naman atang laban... hahaha!
ang daming magagaling na bloggers ah, good luck po sa atin
goodluck sa entry mo. mahusay.
Post a Comment