Dear
Hubs,
Hindi
ko na mabilang ang mga araw. Tila ba libu-libong taon na akong naghihintay. Ako
na libong taon nang nag-iisa. Nagpupumilit makisalo sa sayaw ng iba pang
kaluluwang naghahanap ng kapayapaan ng isip, laman ng utak... ah oo! Laman! (Marami
ang iismid na lamang.) Sa paglalakbay upang makasumpong ng kapanatagan ng puso ay
kanugnog ang mga pangambang makahanap ng wala na siyang unti-unting umuupos sa
pag-asang umaandap-andap.
Naglulunoy
sa kumunoy ng walang hanggang pag-aatubili. Tama. Ganito ako noon bago mo ako
mahanap. Alam ko medyo corny ang paggamit ng mabubulaklak na salita. Makailang
ulit na rin kitang inalayan ng tula at mga kuwentong sumassalamin sa ‘di
masukat kong damdamin para sa iyo subalit sabi mo nga’y ‘di mo maarok. May
konting tampo sa tuwing hindi mo pinaglalaanan ng pansin ang mga gawa ko. Ganoon
pa man, ginamitan man ng simbolismo at metapora’y batid kong ‘di mo na
kailangan pang halukayin ang santambak na mga hinabing salitang inialay ko sa’yo
upang matalos ang nais kong iparating.
Kung
naaalala mo pa, mga salita ko rin ang dahilan upang matagumpay kong mai-uwi ang
iyong puso. Witty. Ganyan mo nailarawan ang pamamaraan ko ng paglalahad ng
saloobin at ang lagi kong nasasambit ay salamat sa papuri ngunit ikaw noon pa
lamang ay bumubuhay na sa akin. Nagkasalubong tayo sa nahahating daan. Ito ang
mga panahon kung saan akoy nalilito pa’t hinahabol ang multo ng aking nakaraan.
Umagapay ka’t sa huli’y nahulog na ako sa iyo.
Tanda
mo pa ba ang una nating pagkikita. Ilang beses mo na bang tinanong sa akin kung
naisip ko bang hindi ka sisipot? Gaya ng lagi kong sinasabi’y wala akong
pag-aalinlangan. Alam kong darating ka (sinabi ng guardian angel ko)!
Two
years have passed. Who would ever say that an ephemeral turn of events would go
on and on in my brain, like I always say, like LED from an underprivileged
store blinking over and over again.
Marami
akong bagay na nami-miss.
I
miss when you tickle and tease me. Alam mo naman kung gaano kalakas ang kiliti
ko. Sa tuwing pinipilit kong tumigil ka na ay mas lalo mo pang pinag-iigihan
ang pagkiliti. Palibhasa malakas loob mo kasi wala kang kiliti.
Nangungulila
ako sa mga ngiti mo, na alam kong para at dahil sa akin ang mga iyon dati. Miss
ko na ang pa-cute mong mukha.
I miss
going to the mall and buing our supplies. I have always adulated how you would meticulously
arranged the items on the counter at check out. Masaya ako sa tuwing naturtuwa
ka sa mga pets na too bad ‘di ko na naibigay sa’yo. I miss watching you play at
Timezone, World of Fun, Quantum and all the so called arcades incuding sa
peryahan.
Miss
na miss ko na ang carbonara mo starring San Marino Chili Corned Tuna. Ang
pakbet na maraming luya. Ang isang kalderong sopas na pinaghahatian natin lagi. Maging ang pininyahang manok na pinagtutulungan nating lutuin.
Anong
tuwa ko sa tuwing makikita kong natutuwa ka sa mga alaga nating manok. Sa
tuwing may nangingitlog o napipisang sisiw.
I
miss the twinkle in your eyes whenever you brag about me. It makes me feel
proud and loved.
I
miss hugging and kissing you.
Above
all, I MISS YOU HUBS; every fiber of your being.
I
am here now with my cards laid, mulling over which have cost me my defeat. Space
seems to be an exponentially reverberating solid void that could never be
filled in.
How
could it be so painful? Comparing it to my migraine attacks is the most
illogical understatement anyone could ever imagine. The growing vastness is
somewhat like two identical poles trying to meet – no matter how you push them
towards each other the more frustrated you become.
Like
a scene from my favorite movie, it plays again inebriating every fiber of my
being until I lose consciousness so to escape a world that has gone apocalypse.
An hour glass motion picture staled with a crack allowing the sand to spill
out, thus, makes it impossible to yield time; a dead end, so it was.
But as promised I will be here waiting as
songs play while this rain keeps on tickling my barren lot – for now.
Loving
you always,
Dodong